PCSO umaming edited ang litrato ng lotto winner

PCSO umaming edited ang litrato ng lotto winner, binoldyak ni Rendon

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 05:52 PM

PCSO umaming edited ang litrato ng lotto winner, binoldyak ni Rendon

Rendon Labador at ang lotto winner kasama ang isang PCSO officer

BINENGGA nang bonggang-bongga ng social media personality na si Rendon Labador ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Galit na galit na naman ang motivational speaker sa isyu ngayon ng PCSO dahil sa trending at viral na litrato ng pagtanggap ng isang lotto winner ng kanyang premyo kamakailan.

Isang babaeng bettor mula sa San Jose Del Monte, Bulacan ang nagtungo umano sa tanggapan ng PCSO upang kubrahin ang napanalunan niyang P43,882,361.60 para sa Lotto 6/42 na na-draw noong December 28, 2023.

Ang winning combination na napanalunan ng bettor ay 18-34-01-11-28-04.

Sa isang litrato na makikita sa Facebook page ng PCSO, isang housewife raw from Bulacan ang nanalo sa naturang Lotto prize. Kuha ang photo sa mismong Main Office ng ahensya sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Baka Bet Mo: Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo!

“The lucky winner shared that she placed the bet since the number ‘28’ often represents a car and ‘34’ a house. She disclosed that she plans to invest her winnings in business, buy a new home, and deposit the rest into her two children’s savings accounts,” ang nakasaad na caption sa naturang post.

Maraming nag-congratulate sa winning bettor pero may mga nakapansin nga sa kakaibang itsura niya sa litrato. Feeling nila, “edited” ang photo.


Isa nga sa mga kumuwestiyon dito ay si Rendon. Ipinost niya sa FB ang screenshot at nilagyan ng caption na, “PCSO niloloko ninyo ang taumbayan! Philippine Charity Sweepstakes Office Mga siraulo kayong lahat na nandiyan!”

Gumawa rin siya ng video hinggil sa isyu at nanawagan sa mga senador at kongresista.

“Naglabas ang PCSO ng edited winner ng P43 million. Ano ‘yan, meron na naman bang yumaman sa PCSO?

“Bakit n’yo ginagawang tanga ang buong Pilipinas? Nananawagan po ako diyan sa mga senador, sa mga kongresistang walang ginagawa!

Baka Bet Mo: Sharon tumaya sa lotto: For the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers

“Sana pakitingnan po ang PCSO dahil mukhang ginagawa na nilang negosyo ang taumbayan! Ginagawa na tayong tanga eh. Saan napunta po, PCSO, ang P43 million?

“Bakit kayo naglalabas ng pekeng picture, edited picture ng winner? Ano ang intensyon ninyo?” ang matapang na banat ni Rendon Labador.

Narito naman ang ilan sa mga comments ng netizen sa isyung ito.

“Ang galing naman mag.photoshop pcso. Congratulations hahahah”

“Bakit parang standee si ateng nag-claim?”

“Ang galing ng editor nito ah”

“Bakit parang may something sa pic?”

“Bakit parang galit yung PCSO officer?”

“Face reveal naman!”

“Baka naman inedit for safety ng nanalo.”

“Yan dapat mong tirahin ubos na pera KO kakataya Di pa Rin nanalo.”

“Idol ganun po ata  talaga un para po masikreto ang pagkakilanlan sa nanalo.”

Samantala, inamin ng pamunuan ng PCSO na edited nga ang litrato ng nanalong mananaya. Ito’y upang itago nga ang tunay na identity nito.

Sa naganap na Senate inquiry hinggil dito sa pangunguna ni Sen. Raffy Tulfo, nag-sorry naman si PCSO General Manager Melquiades Robles dahil sa aniya’y “poor editing” na inilabas nilang photo.

“We have to protect the identity of the winner. Mayroong pong nagreklamo sa amin one time, we covered the face, yung damit naman po nakilala. So nagreklamo siya sana naman daw po wag ipakita yung damit. Yan po ang reason n’yan,” ani Robles.

“And I agree it’s a very poor editing pero the objective is to conceal the clothing na ma-identify sa kanya,” pagsang-ayon ni Sen. Tulfo.

Patuloy ni Robles, “If there’s something we apologize for, it’s the poor editing, but I think has served the purpose of concealing the identity.”

“Pero yung tao hindi edited?” tanong ni Tulfo sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi po. Totoo po ‘yan, tunay na tao yan,” sagot ni Robles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending