Direktor tsinugi ang empleyadong nagreklamo dahil sa sweldo

Direktor tsinugi ang empleyadong nagreklamo matapos babaan ang sweldo

Reggee Bonoan |January 17,2024
facebook
share this

Direktor tsinugi ang empleyadong nagreklamo matapos babaan ang sweldo

Reggee Bonoan - January 17, 2024 - 07:34 AM

Direktor tsinugi ang nagreklamong empleyado matapos babaan ang sweldo

Guess, guess who!?

NAGULAT ang production people na hinayr ng direktor dahil imbes na taasan ang kanilang suweldo ay binabaan pa at tinanggalan ng benepisyo.

Ang ganda raw ng alok ng direktor sa mga taga-production na mula sa kilalang reality show at nabanggit na ganito at ganyan ang mga benepisyong matataggap plus overtime kapag lumampas na sa 14 hours na taping o shooting.

Bongga nga kasi wala kaming alam na TV o movie producer na nagbabayad ng overtime kapag lumampas na sa 14 hours na nagtatrabaho ang mga taga-production. Kaya ito ang unang dahilan kaya pumayag sa alok ni direk.

Ang ganda raw ng takbo ng first two years na pagtatrabaho ng mga taga-production at ni direk. Laking gulat na lang daw nang biglang ibaba ang suweldo nila at tanggalan ng benepisyo.

Baka Bet Mo: Tony Labrusca naloka sa pagsusuot ng ‘thong’ sa love scene nila ni Ria Atayde: ‘It felt like underwear being worn backwards!’

Kaya iisa ang tanong nila sa isa’t isa, “Anyare?” At dahil umalma ang lahat ay pinagtatanggal sila ni direk at nagsabing marami naman siyang makukuhang iba.

Sobrang nanlumo ang mga tinanggal dahil wala naman silang pagkakamali pero sa sobrang sakit ng mga salitang narinig nila kaya ang iba sa kanila ay nagkaroon ng anxiety attack at depression dahil bigla silang nawalan ng trabaho.

Mukhang sa mga taong ito ibinunton ng direktor ang mga naging problema niya sa trabaho at sa kinahinatnan ng pelikula niyang hindi kumita.

* * *

Malalagay muli sa bingit ng kamatayan si Olivia (Jane Oineza) dahil sa kasamaan ng mga Buencamino sa huling dalawang linggo ng nagbabagang teleserye na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Unang ipinalabas noong Hulyo 2023 ang “Nag-Aapoy Na Damdamin” na nagtatampok kina Jane, JC De Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca bilang power couples na maiipit sa masalimuot na laro ng gantihan nang dahil sa pag-ibig.

Base sa teaser ng “Nag-Aapoy Na Damdamin: The Final Checkmate” na inilabas ng JRB Creative Production, may panganib na haharapin si Olivia pagkatapos niyang iligtas si Elias (Ejay Falcon) mula kina Lucas (Tony) at Victoria (Maia Gumila). Matulungan kaya ni Philip si Olivia at muling mapaibig ito?

May katapusan pa kaya ang kasamaan ni Victoria na pinaghihinalaang pasimuno sa mga pagpatay na nangyari sa ama ni Philip na si Severino (Jeffrey Santos) at tatay nina Elias at Lucas (Tony) na si Javier (Richard Quan)? Ano naman kaya ang epekto ng mga pangyayari sa nagdadalang-tao na si Melinda (Ria)?

Baka Bet Mo: Sikat na aktres natupad ang pangarap na magkaroon ng ‘break’ sa trabaho; ‘Nag-Aapoy Na Damdamin’ humakot ng nominasyon sa TAG Awards sa Chicago

Ang “Nag-Aapoy Sa Damdamin” ay mula sa direksyon nina FM Reyes, Benedict Mique at Bjoy Balagtas at proyekto sa ilalim ng pinagsamang pwersa ng ABS-CBN at TV5.

Ito ang unang seryeng pinagbidahan ni Jane na tumanggap ng kaliwa’t kanang papuri sa kanyang pagganap bilang ang may amnesia na si Claire at ang matapang na si Olivia na naipit dahil sa mga kaguluhan ng pamilya Buencamino at Salazar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “Nag-Aapoy Na Damdamin: The Final Checkmate” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:15 pm  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending