Benepisyo ng PhilHealth | Bandera

Benepisyo ng PhilHealth

Liza Soriano - July 10, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan. May gusto lang po sana ako na itanong sa Philhealth dahil ang pinsan ko po ay naoperahan at tinanggalan ng isa niyang kidney dahil sa laki ng kanyang bukol sa National Kidney Institute.
Noong una ay parang ayaw niyang ipatanggal dahil natatakot siya at kung ano man ang gagastusin pero ang sabi po ng doctor ay kailangan na talagang tanggalin ang isa niyang kidney dahil kung hindi ay baka ma-dialysis siya kaya agad siyang nagdesisyon na tanggalin na.
Ako po sa ngayon ang nagbabantay sa kanya. Inutusan niya po ako na itanong sa Philhealth kung ano daw pong tulong ang pwedeng ibigay ng Philhealth sa kanya na isang sponsored member.
Sa ngayon ay nagpapagaling na lamang siya dito pa rin po sa NKTI. Sana po ay matulungan siya ng Philhealth dahil wala naman po siyang trabaho.
Umaasa po kami sa tulong ng Philhealth. Eto po ang philhealth number niya 02-20…
Maraming
salamat po
Bernalyn dela Cruz

REPLY: Bb. Dela Cruz,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po namin ipabatid na ang aktibong PhilHealth sponsored members ay kabilang sa No Balance Billing policy o NBB kung saan wala nang dapat bayaran pa dahil sagot lahat ng PhilHealth ang buong gastusin sa pagpapagamot ngunit kinakailangan tayo ay naka confine sa PhilHealth accredited na pampubliko o government na pagamutan at nasa service ward, charity ward o PhilHealth ward.
Pero kung tayo po ay naospital at na-confine sa PhilHealth accredited na pribadong ospital ay may package lang po na ibabawas sa hospital bill at binabase po ito sa final diagnosis o operasyong ginawa ng doktor na saklaw ng All Case Rate.
Kung ano man ang sumobra sa inyong bill matapos maibawas ang case rate package ng PhilHealth, ito po ay inyo pong babayaran out of pocket.
Nawa’y nasagot po namin ang inyong katanungan.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Philippine Health Insurance Corporation
www.philhealth.gov.ph
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
philhealth.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending