Showbiz personality nagpatanggal ng 'foreign bodies' sa katawan para makapagpadede ng anak, sinetch kaya? | Bandera

Showbiz personality nagpatanggal ng ‘foreign bodies’ sa katawan para makapagpadede ng anak, sinetch kaya?

Reggee Bonoan |May 25,2023
facebook
share this

Showbiz personality nagpatanggal ng ‘foreign bodies’ sa katawan para makapagpadede ng anak, sinetch kaya?

Reggee Bonoan - May 25, 2023 - 09:24 PM

Showbiz personality nagpatanggal ng 'foreign bodies' sa katawan para makapagpadede ng anak, sinetch kaya?

CURIOUS kami kung sino ‘yung blind item nina Nanay Cristy, Wendell Alvarez at Romel Chika sa “Showbiz Now Na” kahapon, Miyerkoles tungkol sa showbiz personality na nagpatanggal ng foreign bodies sa katawan.

Maiksing blind item at espesyal report ang terminong ginamit ni ‘nay Cristy dahil ayaw na niyang mag-elaborate at hahayaan na niya ang publikong manghula.

Kaya raw nagpatanggal ng foreign bodies sa kanyang katawan ang personalidad ay para malayang makalabas ang gatas nito para may ipambuhay sa anak nitong sanggol palang.

Sa madaling salita ay may pinasu-susong sanggol ang personalidad kaya niya ipinatanggal ang anuman na nasa boobs niya.

* * *

Sampung lalaki ang isusugal ang kanilang kapalaran para mahanap ang kani-kanilang sparks sa pinakabagong queer dating reality show ng bansa na “Sparks Camp” na napanood noong Mayo 24 (Miyerkules).

Umani na nga ng lampas tatlong milyong views ang kanilang unang pasilip tungkol sa bagong series ng Black Sheep. Ang “Sparks Camp” ay ididireheniacclaimed TV at movie director at story editor na si Theodore Boborol. Gagamitin ni Direk Ted angkaranasanniya sa “PBB,” “MMK,” at “Ipaglaban Mo” para ilapit ang buhay ng campers sa manonood.

Baka Bet Mo: Kilalang showbiz personality bastos, walang respeto sa press

Si Patrick Valencia na lumikha na rin ng ilang sikat na queer stories tulad ng “Hanging Out,” “The Third Party,” at“Hello Stranger”mini-series at si Daniel Saniana ng “Sila-Sila” ang magsisilbing writers ng show.

Samantala angLGBTQIA+icon na si Mela Habijan ang magsisilbing ‘Mother Sparker’ ng palabas.Panoorinkung paano niya dadalhin ang pagiging aktibo niya sa pangangalaga ng karapatan ng LGBTQIA+ sa show. Sakasalukuyan, napapanood siMelasa sarili niyang digital show na “3Some,” TikTok series na “Mahalagang MELAman Mo,” at YouTube content na “All Things T.”

Sa isang outdoor camp, magsasama-sama sina Dan, Nick, Gabe, Justin, Stanley, Karl, Aaron, Alex, Bong, at Nat para kilalanin ang isa’t isa at hanapin ang bagong taong posibleng magpasaya ng kanilang buhay.Dadaan sila sa iba’t ibang challenges at games para ma-test ang kanilang chemistry at mabuo ang bond nila sa isa’t isa.

Alamin kung sinu-sino kaya ang uuwing luhaan o kung sino sa kanila ang makakahanap ng ka-spark sa loob ng camp?

Parte ng Made for YouTube ng ABS-CBN, mapapanood ang “Sparks Camp” tuwing Miyerkules sa YouTube channel ng Black Sheep.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Hello Searcher’ unang BL dating show sa Pinas: ‘Mga deprived sa landi, mag-ingay! Dasurv mo ng sparks!’

Kilalang showbiz personality pinagtatakpan ang kabaklaan ng kaibigang male celebrity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending