Kilalang showbiz personality bastos, walang respeto sa press Bandera

Kilalang showbiz personality bastos, walang respeto sa press

Reggee Bonoan |March 14,2019
share this

Kilalang showbiz personality bastos, walang respeto sa press

Reggee Bonoan - March 14, 2019 - 12:01 AM


IRITANG-IRITA ang ilang katoto sa isang showbiz personality na nakatsikahan nila kamakailan.

Feeling daw kasi nito ay ang galing-galing niyang artista at ang lakas din ng loob nito na barahin ang entertainment press na nagtatanong sa kanya.

“Sana man lang naging magalang siya dahil maayos naman siyang tinatanong, hindi naman siya binabastos at related naman sa presscon ang mga tanong sa kanya. Idinadaan niya sa biro ang sagot pero halatang binabara niya lahat, wala siyang patawad kahit may edad na ang nagtatanong,” ang dire-diretsong tsika ng kilalang entertainment editor.

Hirit naman ng isa pang editor, “Nakakaano tuloy magtanong baka ganu’n din ang gawin sa akin, e, ayoko naman siyang patulan, ayokong bumaba sa level niya.”

Sa pagkakaalam namin ay ganyan talaga ang ugali ng showbiz personality na kapag hindi niya feel ang tanong ay idadaan niya sa biro at kapag hindi rin niya gusto ang reporter na nagtatanong ay binabara-bara niya sabay tatawa nang malakas.

Tama kaya ang narinig namin na hindi na raw babanggitin ng mga entertainment editor ang pangalan ng nasabing personalidad sa kahit anong item na kasali siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending