Fake oil, pure gas | Bandera

Fake oil, pure gas

Leifbilly Begas, Lito Bautista |October 30,2013
facebook
share this

Fake oil, pure gas

Leifbilly Begas, Lito Bautista - October 30, 2013 - 03:00 AM

Ating pag-usapan ang inaalala ni Rider…2484 tungkol sa mga pekeng langis para sa motorsiklo. Ayon sa ating rider, sa kanyang text: “May nabili akong pekeng Castrol oil. Iba ang amoy. At punung-puno ang lalagyan.

Pero, selyado naman.” Marami sa mga pinepekang langis ay Castrol. At maging ang kompanyang gumagawa ng Castrol ay nagbayad ng anunsyo sa mga malalaking dyaryo upang bigyang babala ang publiko tungkol sa mga pekeng Castrol sa merkado.

Ang sinasabi ng ating rider na hindi kaiga-igayang amoy ay dulot marahil ng pinaghalo-halong gamit na langis. Hindi masakit sa ilong ang langis na para sa motorsiklo dahil sa additive na inihalo sa purong langis.

Ang paghahalo ng hindi tamang additive ay maaaring magresulta sa masangsang na amoy. Maaaring punong-puno ang langis sa lalagyan dahil ito ay manu-manong inilalagay.

Hindi katulad nang mga nasa planta na ginagawa na sukat na sukat ang langis. Hindi sapat na batayan na hindi peke ang nabiling Castrol kung selyado ang lalagyan. Nakabibili rin kasi ang mga namemeke ng mga sealer.

Gas
Nais namang malaman ni Rider …1793 kung mayroong purong gas na mabibili sa merkado sa halip na E-10 o gasolina na hinaluan ng 10 porsyentong ethanol.

Walang ibinebentang purong gas sa merkado. Kalimitan na ang ibinebenta sa merkado ay ang mga regular gas na siyang inirerekomenda sa motorsiklo.

Hindi naman nakikitaan ng pagkakaiba ni Rider …1793 ang performance ng kanyang motorsiklo mapa-regular gasoline o E-10 ang gamit.

Pero posibleng makita ang epekto ng E-10 sa motorsiklo paglipas ng panahon. Ang E10 kasi ay hindi ginawa para sa motorsiklo pero dahil batas na ito, walang magagawa ang mga rider kundi ang magkarga nito.

Ang E10 ay nag-iiwan ng dumi sa karburador na nakakaapekto sa performance ng makina kaya lalakas ang konsumo ng gasolina.

MOTORISTA
Pekeng piyesa
NAGKALAT ang pekeng piyesa dito sa 10th ave., Caloocan City.
…1680

BANDERA
TALAGANG maraming piyesa sa 10th ave., Caloocan City dahil iyan ang bersyon ng Banawe sa mga piyesa ng kotse.  Maaaring ang tinutukoy mo ay replacement parts.

Maraming replacement parts sa Caloocan at ang iba ay diyan mismo ginagawa, o sa ibang lugar ng Caloocan.  Kailangang piliin ang mabuting replacement parts bilang kapalit ng genuine parts.

Maaaring magtanong o hingin ang opinyon ng mekaniko kung ang papalitan mo ay sensitibong parte, lalo na sa loob ng makina.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
YAMAHA Mio Soul gold 2010 0948-3021266

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).

PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending