Jennylyn mas bongga ngayon bilang ina: May nag-aalaga rin sa kin

Jennylyn mas bongga ngayon bilang ina: May katuwang at may nag-aalaga sa ‘kin

Ervin Santiago |January 17,2024
facebook
share this

Jennylyn mas bongga ngayon bilang ina: May katuwang at may nag-aalaga sa ‘kin

Ervin Santiago - January 17, 2024 - 07:00 AM

Jennylyn mas bongga ngayon bilang ina: May katuwang at may nag-aalaga sa 'kin

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Baby Dylan

MAS na-appreciate at mas magaan ang pagiging hands-on mom ngayon ni Jennylyn Mercado kumpara sa unang pagkakataong naging nanay siya.

Ibang-iba naman daw kasi ang sitwasyon noong isilang niya si Alex Jazz, ang unang anak niya sa dating karelasyong si Patrick Garcia, sa pagdating sa buhay niya ni Dylan, ang first baby naman nila ng asawang si Dennis Trillo.

Ayon sa Kapuso Ultimate Star, single working mom siya sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Jazz samantalang kay Dylan ay kasa-kasama na niya si Dennis na isa ring proud hands-on tatay.

“Noon kasi, iba sitwasyon ko kay Jazz. Kailangan ko agad bumalik sa trabaho kasi wala naman ako katuwang. So, di ko masyado na-enjoy yung motherhood.

Baka Bet Mo: Jennylyn nahihirapang ibalik ang dating katawan, laging tanong kay Dennis: ‘Baby, malaki ba ‘ko? Ang taba ko pa rin ba?’

“Hands-on naman ako, pero siyempre, kailangan ko bumalik sa work. Ako yung breadwinner. Wala akong kasama. Pero ngayon, iba dahil kahit paano meron akong katuwang. Meron ding nag-aalaga sa akin,” chika ni Jennylyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Talagang hati raw sila ng asawa niyang Kapuso Drama King sa parenting duties para sa kanilang mga anak.

“Hindi ko in-expect na ka-level ko yung pagka-hands on niya. Kahit galing taping, 1 a.m. umuwi ng bahay, di na matutulog kasi siya ang night shift.

Baka Bet Mo: Jennylyn proud padede mom, mas nae-enjoy nila ni Dennis ang pagiging hands-on parents kay Dylan

“Ever since ganu’n kami, simula nu’ng newborn si Dylan. Talagang hindi siya matutulog. Hihintayin niya ako magising tapos ako naman papatulugin ko naman (si Dylan),” pahayag ni Jen sa panayam ng ilang members ng entertainment press sa mediacon ng bago niyang serye sa GMA 7, ang “Love. Die. Repeat.”

Patuloy pa niya, “Kasi bago mag-isang taon si Dylan, kami lang, e. Wala kaming yaya. Nu’ng bumalik na si Dennis magtrabaho, ‘Ay, kailangan na natin kumuha ng makakasama,’ kasi hindi ko naman kaya mag-isa. Lalo lumilikot na, hinahabol ko na.

“Mine-make sure namin na hindi kami sabay na wala sa bahay. Kailangan isa sa amin meron.

“Good thing isa na rin management namin kaya naaayos nang mabuti yung schedule,” lahad pa ng premyadong aktres na ilang taon ding nawala sa showbiz dahil inuna muna niya ang kanyang pamilya.

Napapanood ang “Love. Die. Repeat.” sa GMA Telebabad kung saan first time nga silang nagkasama ng Kapuso actor at director na si Xian Lim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Lopez Sineneng at kasama rin sina Mike Tan, Ina Feleo, Valerie Concepcion at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending