Herlene Budol 3 years nang may karelasyon na non-showbiz: Nakilala ko siya sa dating app! | Bandera

Herlene Budol 3 years nang may karelasyon na non-showbiz: Nakilala ko siya sa dating app!

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Herlene Budol 3 years nang may karelasyon na non-showbiz: Nakilala ko siya sa dating app!

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 07:39 AM

Herlene Budol

TATLONG taon nang may karelasyong non-showbiz guy ang Kapuso TV host-comedienne na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Ito ang diretsahan niyang inamin on national TV nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife sa nakaraang guesting niya sa pre-Christmas episode ng Kapuso comedy show na “The Boobay And Tekla Show”.

Sumalang si Herlene sa hot seat segment ng “TBATS” na “May Pa-Presscon” kung saan isa nga sa mga inusisa sa kanya ng mga host na sina Super Tekla at Boobay ay ang tungkol sa kanyang boyfriend.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang komedyana at inamin nga na matagal na siyang may dyowa. At nang tanungin na kung ano ang pangalan ng kanyang boyfriend, mabilis din ang naging sagot niya with matching pa-shoutout pa. 

“Troy! Shoutout sa ‘yo, Troy. I love you. Nakilala ko ‘yan sa dating app,” ang rebelasyon pa ni Herlene.

Pag-amin pa ni Hipon Girl, nakilala niya si Troy sa Tinder dating app at three years na raw sila ngayon. Nabanggit din niya na sandali lang ang naging pag-uusap nila sa nasabing dating app at nagdesisyon nang magkita nang personal.

Chika ni Herlene, “Saglit lang kasi gusto ko makaluwas ng Maynila noon. Tapos sabi niya taga-Paco, Manila siya tapos sinabi ko, ‘Angas nu’n ah. Malapit ka ba sa Quiapo?’

“E, gusto ko na talagang makapunta noon ng Quiapo, gusto kong pumunta, e gusto ko siya na lang kasama ko,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Samantala, sa segment naman ng “TBATS” na “Guilty or Not Guilty,” sinagot din ni Hipon Girl ang ilang maintrigang tanong, kabilang na ang question kung nakatanggap na siya ng regalo mula sa isang DOM o dirty old man.

“Not Guilty” ang sagot ni Herlene sabay sabing, “Wala pa pero kung sakaling mayroon tatanggapin ko, regalo lang naman.”

“Not guilty” rin ang tugon niya nang tanungin kung nagnasa na ba siya sa boyfriend ng iba, “Napogian lang ako, ‘Uy, pogi’ Pero hindi ako na-a-attract kasi ayaw kong gawin sa iba ‘yung ayaw kong gawin sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang “The Boobay And Tekla Show” every Sunday, 10:30 p.m. sa GMA 7  pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending