Angelica Panganiban pinasilip ang buhay nanay, pinahanga ang netizens sa pagiging hands-on mom | Bandera

Angelica Panganiban pinasilip ang buhay nanay, pinahanga ang netizens sa pagiging hands-on mom

Pauline del Rosario |October 23,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban pinasilip ang buhay nanay, pinahanga ang netizens sa pagiging hands-on mom

Pauline del Rosario - October 23, 2022 - 01:44 PM

HINANGAAN ng madlang pipol ang pagiging “hands-on” ng “first time parents” na sina Angelica Panganiban at Greg Homan.

‘Yan ay matapos ipasilip ng dalawa ang kanilang bagong buhay kasama si baby Amila sa isang latest YouTube vlog episode na ibinandera ngayong Oct. 23.

Sabi sa caption, “Hello world! Here’s a glimpse into our routine as a first time parents.

“We are fully enjoying every minute with our Baby Bean.”

Mapapanood sa video na talagang “teamwork” ang couple sa pag-aalaga kay baby, mula sa pagpapalit ng diapers, pagpapaligo, at pagpapatulog.

Nabanggit din ni Angelica na may “shifting” sila ni Greg kay Amila.

Siya raw ay nakatoka sa umaga, habang sa gabi naman si Greg.

Nakakatuwa mga ka-bandera dahil makikita sa video na bukod sa pareho silang marunong mag-alaga ng baby, kayang-kaya rin nila ang mga gawaing bahay.

Salitan pa nga sila sa pagluluto – Si Greg ang nagluto ng breakfast, habang si Angelica naman sa dinner.

Nakakabilib din ang pagiging multitasker ni Greg na pinagsasabay niya ang pag-aalaga kay Amila habang nagtatrabaho.

Narito ang ilang komento ng netizens sa vlog ng dalawa.

“It’s amazing how Angelica’s personality changed instantly from being loud and carefree to a very caring and gentle woman to her baby.”

“Ang galing marunong si daddy humawak kay baby! Nakaka amaze ung mga ganitong daddy.”

“Napaka loving na parents ni Angge at hubby niya. Nagtutulungan tlga silang 2. May forever na talga si Angelica, worth the wait.  Si baby naman grabe overload ang cuteness… artistahin.”

“These couple are so matured , in love and ready to take responsibilities especially taking care of their baby. Very natural walang arte. Nakuha ninyo ang respect ko para sa inyo. Good job for the both of you.”

Matatandaang “Bagong Taon” ng nakaraang taon nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon at as of this writing, limang buwan na silang “engaged.”

Noong Marso, inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong Setyembre.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban nangakong ibibigay ang lahat kay Baby Bean: Ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan

Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: ‘Hello world!’

Angelica shookt padede mom: Mas mahirap siya kesa sa labor, grabe yung sakit na titiisin mo para mapakain ‘yung anak mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending