Kim, Paulo may COVID; teleserye version ng Linlang mas pasabog

Kim, Paulo sabay nagka-COVID; teleserye version ng ‘Linlang’ mas pasabog

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 08:18 PM

Kim, Paulo sabay tinamaan ng COVID; teleserye version ng 'Linlang' mas pasabog

Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman

PAREHONG tinamaan ng COVID-19 ang mga Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nagpositibo ang dalawa sa nasabing virus kaya wala sila sa face-to-face presscon ng teleserye version ng “Linlang” na ginanap ngayong araw, January 15.

Humarap sila sa ilang miyembro ng entertainment media via Zoom kaya naman hindi nagkaroon ng chance ang mga dumalo sa event na makachikahan ang mga bida ng “Linlang.”

Kasalukuyang ginagawa nina Pau at Kimmy ang Filipino adaptation ng hit South Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim” kaya talagang busy din ang “magka-loveteam.”

Baka Bet Mo: Maricel sa mga artistang gustong magpasampal sa kanya: ‘Naku, huwag! Masisira ang mga mukha n’yo!’

Bago magsimula ang mediacon para sa teleserye version ng “Linlang” na talaga namang nag-hit at tinutukan ng madlang pipol sa Prime Video streaming app, nabanggit nga ni Kim ang kanilang sitwasyon.

“Buhay pa rin po ang COVID kaya tinamaan po kaming dalawa (ni Paulo). Gusto nga namin na makasama namin kayo diyan (Dolphy Theater), kaya lang ito lang ang nakayanan namin,” ang pahayag ng Kapamilya actress at TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, siniguro naman nina Kim at Paulo sa mga manonood na mas intense, mas maraming pasabog at mas matitindi pa ang ipalalabas na teleserye version ng “Linlang” na magsisimula na sa darating na January 22.

“Mas iinit pa ang mga ulo nila at mas iinit pa ang social media. Sana i-enjoy n’yo ang teleserye version ng Linlang. Let’s go!” ang nakatawang chika ni Kim na parang walang iniindang sakit.

Yes, siguradong buong-buo nang mararamdaman ang gigil at kaba kina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman dahil mapapanood na nga ang “Linlang: The Teleserye Version” simula January 22 kung saan tampok ang mga bagong eksenang hindi pa ipinapalabas.

Siguradong masasagad sa gigil ang mga manonood dahil bukod sa never-before-seen scenes na ipapakita sa “Linlang: The Teleserye Version,” ipapakilala rin dito ang iba’t ibang kwento ng mga karakter at iba pang mga kaabang-abang na mga sikreto sa likod ng panloloko at paghihiganti sa serye.

Baka Bet Mo: Kim natakot sa pakikipag-love scene kina Paulo at JM sa ‘Linlang’: ‘Hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career’

Umiikot ang kwento ng serye sa panloloko at pagtataksil ni Juliana (Kim) sa asawa niyang si Victor (Paulo), isang dating sikat na boksingero na naging seaman. Matutuklasan ni Victor na may ibang lalaki si Juliana at ito ay walang iba kung ‘di ang kapatid niyang si Alex (JM), isang matagumpay na abogado.

Magiging tanging misyon ni Victor ang maibulgar ang lahat ng sikreto nina Juliana at Alex pero kapalit naman nito ang pagdiskubre niya sa mga masalimuot na katotohanan na maaaring ikawasak ng kanyang pagkatao at pamilya.

Paano nagawang lokohin ni Juliana si Victor kasama ang sarili nitong kapatid? Ano-ano pa ang mga sikreto ni Juliana?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by linlang 2023 💚❤️💙 (@linlang_abscbn)


Kasama sa cast ng “Linlang” sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice.

Ito’y mula sa direksyon nina FM Reyes at Jojo Saguin, produced by ABS-CBN and Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” simula sa January 22, 8:45 p.m. pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending