Dennis, Jennylyn, Dylan tinamaan ng COVID-19

Dennis, Jennylyn, Dylan tinamaan ng COVID-19; Ejay Falcon nanggulat

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Dennis, Jennylyn, Dylan tinamaan ng COVID-19; Ejay Falcon nanggulat

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:28 AM

Dennis, Jennylyn, Dylan tinamaan ng COVID-19; Ejay Falcon nanggulat

Ejay Falcon, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Dylan

TINAMAAN ng COVID-19 ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado pati na ang kanilang anak na si Dylan.

Nakakaloka! Habang inaakala ng lahat ng mga Filipino na goodbye COVID na tayo ay saka naman nagkaroon ng virus ang Kapuso Drama King at ang kanyang mag-ina.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinalita ng premyadong aktor ang pinagdaraanan nilang health condition ilang linggo bago sumapit ang Pasko.

Sa video na ipinost ni Dennis na may caption na “COVID is back guys”, makikita siyang naggigitara at tinutugtog ang kanya na may titulong, “Gamutin na natin to.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


“Oh ito na nga, tinamaan din ako,” ang simulang bahagi ng naturang kanta na ang tinutukoy nga ay ang COVID-19.

“Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito,” pagpapatuloy ng aktor.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit ‘Dylan’ ang ipinangalan sa kanilang baby

Kasunod nito, kinumpirma nga ni Dennis na nagpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang wifey na si Jennylyn, at ang anak nilang si Dylan.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko. May COVID, kaming tatlo,”  ang bahagi pa ng kanta ni Dennis.

Napapanood ngayon si Dennis sa Kapuso primetime series na “Love Before Sunrise,” kasama si Bea Alonzo habang malapit na ring mapanood si Jennylyn sa upcoming series ng GMA 7 na “Love. Die. Repeat,” kung saan makakatambal namab niya si Xian Lim.

* * *

Ginulat ng Kapamilya aktor na si Ejay Falcon ang manonood sa kanyang pagpasok bilang bagong karakter sa panghapong serye na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Ginagampanan ni Ejay ang misteryosong papel ni Elias na may malalim na koneksyon sa mga Buencamino. Sa kanyang unang paglitaw sa serye noong Martes (Disyembre 5), iniligtas niya si Olivia (Jane Oineza) mula sa kidnapping na iniutos mismo ni Victoria (Maila Gumila).

Baka Bet Mo: Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

Naintriga naman ang manonood sa pagpasok ni Ejay sa serye kung kakampi o kalaban ba ito at kung ano ang magiging papel niya sa buhay ni Olivia.

“Curious ako kung ano magiging role ni Ejay dito? Kakampi ba siya o kalaban?” ani @jsv_thewarrior sa X.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)


“Ang ganda na! Magtutulungan na si Elias at Olivia laban sa mga Buencamino plus isali pa natin si Philip! Mas masakit na maningil ang karma!” saad ni @alifahlidya.

“Si Elias na ba ang bagong hero ni Olivia? Grabe ang daming twists ng kwento at hindi talaga ma-predict kung ano yung mga susunod na mangyayari,” komento naman ni @dieth0509.

Samantala, determinado pa rin si Philip (JC De Vera) na muling makuha ang tiwala ni Olivia at mailayo ito mula kay Lucas (Tony Labrusca) na siyang ama ng ipinagbubuntis ni Melinda (Ria Atayde).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang nagbabagang emosyon sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:15 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending