Ejay binalikan ang pagiging kargador, sino si Nanay Nene sa buhay niya?
PROUD na ibinandera ng aktor at Mindoro Oriental Vice Governor na si Ejay Falcon ang naging buhay niya noon bilang kargador.
Binalikan ni Ejay ang payak na pamumuhay sa Wawa, Pinamalayan sa Oriental Mindoro noong kabataan niya kung saan talagang nakaranas din siya ng matinding hamon ng buhay.
Sa mga hindi pa nakakaalam, unang nakilala si Ejay nang maging housemate at itanghal na Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008.
Baka Bet Mo: Kim Molina nabastusan sa ’69’ comment ng basher kay Jerald Napoles
Nag-post sa kanyang Facebook ang aktor kung saan binalikan niya ang pagiging kargador ng kopra sa kanilang probinsya.
View this post on Instagram
“Kahapon, sa pagdalo ko sa isang Birthday na imbitasyon, May isang lola na naghintay sa akin at hindi umuwi para daw hintayin ako.
“Pagdating ko bigla nya sinabi- Totoy, Tanda mo pa ba ako? Tinitigan ko sya mabuti, at sya na ang nagsabi na ‘Ako ang binibilihan mo ng sinulbot o Banana cue sa Wawa Pinamalayan habang nagkakargador ka.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos
“Bigla ko sya niyakap at sinabi ko, Ay kayo po Nanay Nene. Tuwang tuwa po kami pareho, Nasubaybayan nya ang pagiging istibador/Kargador ko noong mga panahon na yun,” bahagi ng FB status ni Ejay.
Patuloy pa niya, “Maraming salamat po Nanay Nene sa iyong mga Banana cue na alam ko yun ang isa sa nagpalakas ng aking katawan habang buhat ang Copra at mga uling.
“Ako po si Ejay L. Falcon- Proud Kargador,” ang buong pahayag ni Ejay.
View this post on Instagram
May mensahe rin ang aktor para sa lahat ng mga tulad niyang nakaranas din na masabihan ng “ganito o ganyan ka lang”, “Kaya po sa susunod na sabihin sa iyo ninuman na hanggang dyan ka na lang, suklian mo lang po ito ng ngiti dahil ang katotohanan malayo pa ang mararating mo.
“Nasayo po ang kapangyarihan at hindi sapat ang salita para kunin nila ito sa iyo. Tulad ko po, isang simpleng kargador sa probinsya na ginusto maging artista.
“Nagtagumpay at ngayon pinapalawak ang kakayahan at papel sa lipunan sa pamamagitan ng pagsabak sa mundo ng paglilingkod.
“Kung pinakinggan ko po ang mga taong nagsabing artista ka lang, wala po siguro ako ngayon dito, lumalaban po para kayo ay paglingkuran,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.