EJay Falcon minaliit sa industriya dahil ‘di magaling mag-English
BINALIKAN ng actor-politician na si Ejay Falcon ang mga hindi mamagandang karanasan noong aktibo pa siya sa mundo ng showbiz.
Nitong Lunes, February 5, nag-guest ang aktor sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan napag-usapan nila ang kaniyang career.
Sa kanilang usapan ni Tito Boy ay nausisa si EJay kung ano ang pinakamasakit sa mga sinabi ng ibang tao tungkol sa kanya noon.
Sagot ng actor-politician, iro ay yung pakiramdam na tila wala siyang space sa showbiz.
“‘Yong wala akong karapatan at wala akong puwang sa industriyang ito,” lahad ni Ejay.
Hindi makapaniwalang tanong ni Boy, “Sinabi ‘yan sa ‘yo?”
View this post on Instagram
Kuwento ni Ejay, “Opo. ‘Paano ka makakapag-artista hindi ka naman nakakapag-Ingles?’ ‘Yun lang.
“Pero syempre ako, guilty ako. Pero parang nanliit ako ng sobra. Ito ba ‘yong basehan n’yo?”
Naikuwento rin ni Ejay ang mga pagkakataon kung paani siya alipustahin, minusin, at siraan noon at sa tuwing binabalikan niya ito ay aminadong nasasaktan siya.
“Masakit, Tito Boy. Punong-puno ako ng insecurities ‘di ba dati? Pakiramdam ko, ang dami kong kakulangan.
“Nag-artista ako, hindi ko alam kung paano ako makikipagsabayan sa mga kasamahan ko,” sey ni Ejay.
Aniya, promdi o probinsyano siya noong pasukin niya ang mundo nv showbiz.
“Tapos promdi ako. Probinsyano ako. Pakiramdam ko, hindi naman ako gwapo. Dati ang payat-payat ko. Hindi ako mayaman. Hindi ako Inglesero. Tapos kakaunti ang support system ko,” chika pa ni Ejay.
Kaya naman talagang trinabaho ng actor-politician ang kanyang sarili at ponunan ang mga kakulangan sa sarili.
Ngayon ay muling magbabalik telebisyon si Ejay at mapapanuod siya kada Linggo sa palabas na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” kasama sina Beauty Gonzalez, Bong Revilla, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.