JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa 'Linlang': 'Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!' | Bandera

JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa ‘Linlang’: ‘Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa ‘Linlang’: ‘Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 06:20 AM

JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa 'Linlang': 'Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!'

Heaven Peralejo, Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at Kaila Estrada

BUKOD kay Kim Chiu, isa pa sa most hated actor ngayon ng mga manonood ay ang award-winning Kapamilya star na si JM de Guzman.

Napakarami ring nagagalit at nabubuwisit ngayon kay JM dahil sa napaka-effective na pagganap niya bilang Alex sa pinag-uusapang serye ngayon na “Linlang“.

Ayon kay JM, talagang napakalaki ng naging impact sa kanya ng role ni Alex na isang abogadong kumabit sa asawa ng kanyang kapatid na ginagampanan nina Kim at Paulo Avelino bilang sina Juliana at Victor.

Sabi ni JM, enjoy na enjoy naman siya sa pagganap bilang gray character sa “Linlang”, “Si Alex kasi achiever siya. Pag may gusto siyang makamit sa buhay, nakakamit niya.

Baka Bet Mo: JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

“Kapag may gusto siya nakukuha niya. Pero sa maling paraan lagi. Sobrang grateful nga na maraming nag-co-comment, nag-fi-feedback at maraming tumatangkilik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And maraming galit sa akin. Ha-hahaha! Maraming napipikon. Maganda talaga yung pagkasulat ng script kaya susunod na lang ako,” pahayag ni JM sa thanksgiving presscon ng “Linlang” na ginanap last October 31.

In fairness, marami namang natatanggap na positive feedbacks si JM mula sa mga viewers pero aniya, mas nakakaloka ang mga hate comments na nababasa niya sa social media.

“Maraming nagagalit sa akin, maraming nati-trigger du’n sa palabas dun sa nangyayari sa plot.

Baka Bet Mo: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

“And for me, yung pagkagawa ko nung role, hindi ako masyado nahirapan sa panlilinlang, kasi na-portray nung mga co-actors ko ng buong buo yung mga characters nila so sumasabay na lang ako. Happy naman ako,” aniya pa.

Paglalarawan pa niya sa kanyang kinamumuhiang karakter, “Bukod sa maganda siya, yung kalooban, maraming taglay. Hindi ako nahirapan na i-portray yung pagiging masama kasi ano yung hindi mo makikita mo kay Juliana na hindi mo ipaglalaban.

“Kaya naging mahirap din sa akin, kasi na kay Sylvia na rin ang lahat. Pero meron din kasing issues si Alex. Yung inggit niya sa kapatid niya.

“Kung anong meron yung kapatid niya, gusto niya meron din siya. Gusto niya makuha. Kasi mas magaling si Victor kaysa kay Alex,” esplika ng aktor.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat si JM sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya sa kabila ng mga nagawa niyang sablay noon, kabilang na ang pagkagumon sa droga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni JM, “I’m proud of you. mahirap man tinahak natin nakatayo ka pa din. di nga lang laging tama ang mga desisyon pero alam ko natututo tayo sa mga pagkakamali.

“Sana maabot natin lahat ng hangad natin. hindi madali alam ko. ilang taon ka na rehab. ilang taon ka din umangat. may mga nasaktan ka, at sana mapatawad ka nila dahil alam kong hindi mo intensyon.

“Hirap ka man lagi ako nandito para sa’yo. hindi kita susukuan. dati ang dilim ng tingin mo sa buhay, nagmahal ka, sumugal at nasaktan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ginamit mo sarili mo sa paraan na akala mo tama sa sugat na hatid ng buhay. pero lumalaban kapadin. masaya. tuloy tuloy lang ‘tol. mahal kita,” ang mensahe pa ni JM sa kanyang sarili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending