Jasmine napikon nga ba sa style ng pagdidirek ni Laurice Guillen?

Jasmine Curtis napikon nga ba sa style ng pagdidirek ni Laurice Guillen?

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Jasmine Curtis napikon nga ba sa style ng pagdidirek ni Laurice Guillen?

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 12:15 AM

Jasmine Curtis napikon nga ba sa style ng pagdidirek ni Laurice Guillen?

Jasmine Curtis, Laurice Guillen at Rayver Cruz

NAGPAKATOTOO ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen nang tanungin tungkol sa acting ni Jasmine Curtis.

Magkasama ngayon ang dalawa sa latest series ng GMA 7, ang “Asawa Ng Asawa Ko” at inamin ni Direk Laurice na inaabot ng ilang takes ang ilang intense scenes ni Jasmine.

Gumaganap si Jasmine sa serye bilang si Cristy, ang original na asawa ng karakter ni Rayver Cruz na nag-asawa uli sa (Leizel Lopez) dahil inakala nitong patay na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith)


“Si Jasmine, maraming takes. Marami akong pinapagalitan, actually it’s more of like keeping her on track because she’s playing a role that’s been through a really extraordinary experience as suffering.

Baka Bet Mo: Laurice Guillen ‘nahirapan’ sa kaisa-isang eksena nila ni Joshua Garcia sa ‘Unbreak My Heart’, bakit kaya?

“So, I have to keep her always at this point of the story), dito ka. You know, and then that, you know, less of Jasmine,” pag-amin ng direktor sa naganap na grand mediacon ng “Asawa Ng Asawa Ko.”

Pero sa halip na ma-offend at magalit, tinanggap lahat ni Jasmine ang lahat ng instructions at advice ng kanilang direktor.

“You really have to be open, but she’s very specific sa mga direksyon niya at sa mga gusto niyang makuha especially sa character kong si Cristy because napakalalim na po ng pinagdaanan ng character ko,” sabi ni Jasmine.

“I am so honest to admit na ang dami kong hindi alam tungkol sa life experiences na ‘yun pero because of Direk Laurice nadi-discover ko kung ano ‘yung feelings na ‘yun.

“Ano ‘yung kaya kong ibigay na maybe hindi ko pa alam but because of this I can finally see a perspective na hindi akin na sobrang hirap,” paliwanag pa ng sisteraka ni Anne Curtis.

Patuloy pa ni Jas, “Si Direk Laurice, she let you experiment first, she really has big trust on us actors on set and gusto niyang makita kung ano ‘yung nagawa mo na effort at homework na ikakasa mo na sa character mo.”

Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Mapapanood na ang “Asawa Ng Asawa Ko” simula ngayong gabi, January 15, sa GMA Prime kung saan iikot nga ang kuwento sa pag-aagawan ng dalawang legal wife sa kanilang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tutukan ang kuwento nina Cristy (Jasmine) at Jordan (Rayver), na namumuhay ng simple pero happy ang life kasama ang nag-iisa nilang anak.

Hanggang sa makidnap si Jordan at magkahiwalay sila ni Cristy. Sa pag-aakalang patay na ang asawa, nagpakasal uli siya kaibigang si Shaira (Liezel Lopez).

Pero magbabalik si Cristy matapos makatakas sa mga kidnappers pero malalaman nga niyang may bago nang kinakasama ang kanyang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino nga ba ang karapat-dapat na makasama si Jordan, ang unang asawang lumaban para sa kanyang kalayaan na makapiling muli ang kanyang mga mahal sa buhay? O ang pangalawang asawa na nasa tabi ni Jordan sa oras na wala siyang masandalan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending