Lovi Poe iniintriga sa pag-alis sa 'Batang Quiapo'

Lovi iniintriga sa pag-alis sa ‘Batang Quiapo’, may nilulutong bagong project?

Reggee Bonoan |January 13,2024
facebook
share this

Lovi iniintriga sa pag-alis sa ‘Batang Quiapo’, may nilulutong bagong project?

Reggee Bonoan - January 13, 2024 - 04:56 PM

Lovi Poe enjoy na enjoy sa bakasyon, may niluluto nga bang bagong proyekto?

PHOTO: Instagram/@lovipoe

KUNG anu-anong chikang naglabasan sa pag-alis ng aktres na si Lovi Poe sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” na kesyo buntis at may mga nambu-bully sa kanya.

Ang pregnancy rumor ay hindi totoo dahil paano mangyayari iyon, e, nasa ibang bansa naka-base ang mister niya na si Monty Blencowe kaya nga kapag mahaba-haba ang break niya sa taping ay lumilipad ito para makasama ang hubby.

Tungkol naman sa binu-bully si Lovi ay malaking kalokohan dahil sinong maglalakas loob na i-bully ang isang Lovi Poe?  Ang anak ng namayapang si Da King, Fernando Poe, Jr? At higit sa lahat papayagan ba ito ng actor-director na si Coco Martin na gawan ng hindi maganda ang leading lady niya?

Hindi ba puwedeng baka gusto munang magpahinga ni Lovi at para harapin naman ang kanyang buhay may-asawa? O baka naman may ibang project na gagagawin ang aktres?

Baka Bet Mo: Ilang katrabaho ni Lovi Poe may pa-tribute sa pag-alis niya sa ‘Batang Quiapo’

At mukhang ini-enjoy ni Lovi ang kanyang bakasyon sa ibang bansa na ilang beses na niyang pino-post sa kanyang Instagram account ang bahay na tinutuluyan niya sa Alabama, USA.

Base sa post ng aktres ngayong araw, Biyernes, Enero 12, “Getting cozy [heart emoji] This is home for the next few weeks + a view of where I get work done and read my scripts from. It’s still Friday here but happy weekend to everyone back in Manila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)

Anyway, may nagbulong sa amin na may bagong project si Lovi at as of now ay hindi muna nagbigay ng detalye ang aming source dahil hindi pa raw tapos ang negosasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending