Ilang katrabaho ni Lovi Poe may pa-tribute sa pag-alis niya

Ilang katrabaho ni Lovi Poe may pa-tribute sa pag-alis niya sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan |January 05,2024
facebook
share this

Ilang katrabaho ni Lovi Poe may pa-tribute sa pag-alis niya sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - January 05, 2024 - 09:14 AM

Ilang katrabaho ni Lovi Poe may pa-tribute sa pag-alis niya sa 'Batang Quiapo'

PHOTO: Instagram/@lovipoe

SA pag-alis ni Lovi Poe sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay inaming mami-miss siya ng co-actors niya tulad din ng sinabi niyang napamahal siya sa lahat na bumubuo ng serye.

Ayon sa direktor ng BQ na si Darnel Villaflor, “it was an honored (makatrabaho ang aktres) anak ng Da King ‘yan.  What’s really nice of Lovi in Batang Quiapo is you really see the character of Mokang, paglabas (after shoot) iba rin.  Ini-embody niya talaga ‘yung character ni Mokang on screen na sobrang believable.”

Sey naman ni Irma Adlawan bilang si Olga na hipag ni Mokang, “It was a delight actually to be with her and to see the real her behind the camera.  Hindi man tayo nagkaroon ng maraming eksena sana sa mga susunod na panahon (ay) magkita pa tayo and I want to say good luck with whatever endeavor you’re going to take, be happy!”

Mula naman kay Ivana Alawi as Bubbles na karibal ni Mokang kay Tanggol, “sobrang nag-enjoy ako kahit ilang days lang kami nagkasama sa taping.  She’s really, really nice (at) napakabait, sabi ko nga bitin na bitin.  Sana magka-work pa kami sa future and I’m really, really proud of her.  Lovi, I wish you all the best in your career and in your lovelife and I hope 2024 will bring you more happiness.”

Baka Bet Mo: Lovi Poe namaalam na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’: Mokang…now signing off

Ang Albert sa buhay ni Mokang na nagligtas sa ama niyang maysakit na si Christopher de Leon, “She’s really a pro, she’s a very good actor.  This one I enjoyed every minute working with her.  Kanina we were talking and (sabi ko) see her again by next year (2024).”

Nakuha namin ang mga pahayag na ito nina direk Darnel, Irma, Ivana at Christopher sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment bilang tribute kay Lovi Poe.

Wala pang pahayag ang ibang cast dahil impromptu ang pagbibigay ng reaksyon ng mga nabanggit sa last shooting day ni Lovi na kinunan noong Disyembre, 2023.

Samantala, inamin din ni Lovi na nalungkot siya nang magpaalam siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” pero kailangan niyang mag desisyon dahil kailangan niyang harapin ang buhay na pinangarap niya, ang makasama ang kanyang hubby na si Monty Blencowe na naka-base sa London.

“Siyempre nakakalungkot (pag-alis niya) kasi marami pa sanang puwede niya (Mokang) puntahan pero siyempre minsan kailangan mo talagang i-weigh ‘yung mga bagay at oras mo bilang si Lovi.  But in every endings means a new beginning,” sambit naman ng aktres.

Umabot naman ng 412, 818 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online live kagabi (Jan. 4) at sa mga nanood naman ng replay ay umabot ng 857,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, abangan ang pagpapatuloy ng journey nina Tanggol at Bubbles gabi-gabi sa ganap na 8PM sa Kapamilya Online live, Kapamilya channel, Cinemo, A2Z, at TV5! Mapapanood rin sa iWantTFC at TFC!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending