Daniel madalas lasing umano dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn

Daniel madalas lasing umano dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn, true kaya?

Pauline del Rosario |January 11,2024
facebook
share this

Daniel madalas lasing umano dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn, true kaya?

Pauline del Rosario - January 11, 2024 - 06:10 PM

Daniel madalas lasing umano dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn, true kaya?

PHOTO: Instagram/@supremo_dp

NAGING hot topic nanaman ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Ang naging latest “tea” sa YouTube channel na “Showbiz Now Na” kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika, madalas maglasing umano si Daniel mula nang magkahiwalay sila ng aktres na si Kathryn Bernardo.

“Si Kathryn, nakapaglipat na ng bahay tapos nakasama niya sa Thailand ang kanyang pamilya. At sabihin na natin na ang kanyang mata ay malungkot pa rin pero nandoon ‘yung pagsisikap ng pagbangon,” panimulang sabi ni Nanay Cristy.

Chika naman ng kanyang co-host na si Wendell, “Kabaligtaran naman ‘yun [kay Daniel]…kasi siya, pinipilit pa rin niyang makipagbalikan kay Kathryn, kaya ang ginagawa niya ayun pumupunta sa mga kaibigan, tapos siyempre pag pumunta sa mga kaibigan magkukwentuhan sila, mag-iinuman.”

Biglang tanong ng kolumnista, “Ba’t ang kwento nga laging lasing si Daniel ngayon?”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinabing ‘under’ ni Liza si Enrique, may hinalang wala nang LizQuen

Sagot sa kanya ni Wendell na biglang naputol, “Kasi ‘diba ganun naman ang kasabihan sa Pilipino, kapag may problema ang isang tao…”

Biglang sabat ni Cristy, “Manghihiram ka ng lakas ng loob sa alak at kung minsan, kapag minsan naliligaw ng landas, sa droga.”

“Ay! Huwag naman sana,” reaksyon ni Wendell sa sinabi ng kolumnista.

Pagtitiyak ni Nanay Cristy, “Hindi, hindi naman sigurado ‘yan. Walang ganyan si Daniel.”

Kasunod niyan ay biglang na-open up ang tungkol sa mga naging third party umano sa relasyon ng KathNiel.

“Pinakamahirap kasing burahin sa isang nagkahiwalay na relasyon ‘yung third party. Pinakamahirap ‘yan e, lalo na kung ang babae ay iniukol ang kanyang pagmamahal sa isang karelasyon ng 100%,” saad ni Nanay Cristy.

Dugtong naman ni Romel, “At lalong-lalo na not once, but thrice, ‘yun ‘yun eh.”

Tugon ng talent manager, “‘Diba ‘yun ang isyu talaga, nabuking. Nalaman ni Kathryn, nakuha ang mga resibo ng pangangaliwa ni Daniel.”

Kasabay niyan ay bigla na niyang kinuwestyon ang mga babaeng nasangkot sa relasyon ng dating mag-dyowa dahil ni isa raw sa mga ito ay hindi pa rin umaamin sa publiko.

“Asan na ‘yung mga babaeng ‘yun? Puro tahimik. Walang umangat man lang para magsabing, ‘totoo, naging kami noon.’ Bakit walang umaangat? Walang nagsasalita,” tanong ni Nanay Cristy.

Ang hula ni Romel, “Hindi kaya may nangongontrol?”

“Hindi ko lang alam, pero maaaring kasama ‘yun,” sagot ng talent manager.

Dagdag pa niya, “Kasi kahit papaano, sa tindi ng mga rebelasyon, merong lilitaw at lilitaw kahit isang babae lang. Bakit ‘yung pinagbibintangang fan na kolehiyala, hindi nagsasalita? Bakit si Andrea Brillantes, hindi rin nagsalita? Bakit ‘yung babae na inireto ng mga kaibigan kay Daniel na talagang isinabay niya kay Kathryn, hindi rin nagsalita?”

Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang naging pasabog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz matapos isiwalat na palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel.

Nakaladkad din ang pangalan ng aktres na si Gillian Vicencio matapos mag-trending ang ilang unverified screenshots ng conversation sa social media.

Ayon pa sa chika ay may nangyari sa dalawa na nakarating kay Kathryn kaya nag-decide ito na tuluyang hiwalayan ang aktor.

Pero hindi naman nagtagal ay itinanggi at ipinagtanggol na nga ni Gillian ang sarili laban sa mga hindi magagandang komento na ibinabato sa kanya ng netizens.

Anyway, nagkaroon ng mensahe si Nanay Cristy para kay Daniel: “‘Yung tapang-tapangan, ‘yung pag-inom, hindi ‘yan makakaresolba ng iyong problema.”

“Ang problema hindi nawala, nandoon pa rin. Kaya tama na pagpapanggap na ikaw ay matapang na parang balewala sayo ang lahat ng ito. Samantalang alam naman ng lahat na ikaw ay nagsisising alipin ka at umiiyak ka,” dagdag ng batikang kolumnista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa niya, “Siguro nga kung mas makita ni Kathryn na umiiyak, nagsisisi [ka], baka sakali pa[ng balikan ka]…Pinakamahirap sa mundong ito ay pagpapanggap. Aminin mo nalang ang katotohanan at baka sakaling mayroon pang pwersa na magtulak kay Kathryn palapit sa iyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending