Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko?

Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko? Nagustuhan mo ilong ko?

Ervin Santiago |January 10,2024
facebook
share this

Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko? Nagustuhan mo ilong ko?

Ervin Santiago - January 10, 2024 - 07:28 AM

Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko? Nagustuhan mo ilong ko?

Alex Gonzaga at Mikee Morada

IKINALOKA at ikinawindang ng ilang netizens ang pagsabak ni Lipa City councilor Mikee Morada sa isang lie detector challenge.

Nangyari ito sa YouTube vlog nina Viy Cortez at Cong TV kung saan game na game na sinagot ng konsehal ang mga nakakalokang tanong ng kanyang misis na si Alex Gonzaga.

Isa nga sa mga napag-usapan sa naturang vlog ay ang pagpaparetoke ni Alex na ibinandera niya kamakailan sa social media.

Diretsahang tanong ni Alex.sa kanyang husband, “Nagustuhan mo ba yung bagong ilong ko?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi,” ang mabilis na sagot ni Mikee. Pero mabilis naman niyang nilinaw ang kanyang sagot. “True” ang lumabas sa resulta ng lie detector.

Baka Bet Mo: Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

“E, maganda siya, pero hindi kailangan. Pero kung masaya ka, gusto mo, okay lang,” pahayag ni Mikee.

Hirit naman ni Viy kay Alex, “So patanggal mo na ngayon.”

Natatawa namang sey ni Mikee, “Okay lang, okay lang, baka lalo pang… magkaletse-letse.”

“So letse-letse na itong mukha ko! Sabi, lalo pang magkanda-letse-letse. So sabi, letse-letse na ito,” ang kunwari’y napipikon nang sabi ni Alex.

Paliwanag naman uli ng kanyang mister, “Ibig kong sabihin, baka lalo pang magulo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So magulo, so ginulo. Nagpaayos pero sa tingin mo nagulo,” hirit pa ni Alex. Na sinagot uli ni Mikee ng, “Maganda siya, pero hindi kailangan.”

Sumunod na tanong ni Alex kay Mikee, “Masaya ka ba sa boobs ko?”

Baka Bet Mo: Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

“Oo!” ang agad-agad na sagot ni Mikee.

Reaksyon ni Viy sa sagot ng konsehal, “Yung mga tanong niya (Alex), gusto niya talaga malaman iyan.”

Pero sey ni Mikee, “Hindi naman yan nagma-matter.”

“Truth” uli ang resulta ng lie detector na ibig sabihin, nagsasabi talaga ng totoo si Mikee tungkol sa boobs ng asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baling naman ni Alex kay Mikee “A, talaga! O, sa iyo na ito!” sabay turo sa kanyang boobs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending