Yasmien game na game sa baking class kahit buntis: ‘Matagal ko nang gusto ‘to!’
WALANG makakapigil sa pag-abot ng pangarap ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi kahit siya pa ay nagdadalang-tao.
Sa Instagram, excited niyang ibinandera ang ilang pictures na nakasuot siya ng mala-chef uniform.
Naka-tag din sa post ang APCA Philippines na kung saan siya nag-aaral ng pastry and baking class.
Ayon kay Yasmien, dream come true ang kinuha niyang kurso dahil matagal na niya itong gustong matutunan talaga.
“ATM BACK TO SCHOOL [heart hands emoji],” anunsyo niya sa post.
Sey niya, “Ipagluto niyo na ako ng kahit na anong kaya ko, pero hirap talaga ako sa #baking at paggawa ng #pastries [croissant, blushing face emojis].”
Baka Bet Mo: KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: ‘I’m not! Tigilan n’yo na yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!’
“Matagal ko na talaga gusto mag enroll sa ‘Pastry and Bakery Arts Program’ pero lagi kasi ako busy sa tapings kaya ‘di ko nagagawa,” kwento niya.
Paliwanag pa niya, “Kaya kinuha ko na itong chance na ito na makapag-aral while pregnant with my #BabyDragon [emoji].”
Kilig na kilig din ang aktres sa kanyang first lesson dahil marami na raw siyang natutunan, lalo na sa paggawa ng iba’t-ibang klase ng tarts.
“I’m really happy today cause I learned a lot from Chef Anthony! 1st lesson: #Tarts and #Quiches [grimacing face emoji] kilig! marunong na ko!” ani niya sa IG post.
View this post on Instagram
Magugunita noong Nobyembre nang inanunsyo ni Yasmien at ng kanyang mister na si Rey Soldevilla na magiging ate na ang kanilang panganay na anak na si Ayesha.
Ibinahagi nila sa social media ang latest family picture nila na makikitang hawak ng aktres ang resulta ng pregnancy test, habang si Rey naman ang nagpakita ng sonogram.
January 2012 nang ikinasal ang mag-asawa at November 2012 naman nang isinilang nila si Ayesha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.