Alden sa yumaong ina: Gusto kong bumawi…I never got the chance
“IT’S the worst feeling!” Ganyan inilarawan ni Alden Richards ang nararamdaman kapag napag-uusapan ang kanyang yumaong ina.
Hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ng Asia’s Multimedia Star ang namatay niyang nanay kahit saan siya magpunta at kahit anuman ang kanyang ginagawa.
Naging emosyonal si Alden nang mapag-usapan ang Metro Manila Film Festival 2023 entry nila ni Megastar Sharon Cuneta na “Family of Two” sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa YouTube channel nitong “Toni Talks.”
Relate much daw talaga ang aktor sa kuwento nito na umiikot sa relasyon ng isang mag-ina.
“The story is very close to me because it’s a mother story, but being able to work with the Megastar opened a lot of discoveries,” pahayag ni Alden.
Paglalarawan pa niya sa kuwento ng pelikula kung saan nagwaging Best Supporting Actress si Miles Ocampo, “Sometimes, growing up, we tend to take for granted the love that we get from our parents, most especially our moms, and since this is a mother-and-son story.
“So, when you tend to neglect that relationship that you have with your mom and when the time comes that you’ll realize na gusto mo nang bumawi, but what if it’s too late?” sabi pa ni Alden.
Ang mas masakit daw kay Alden ay wala na nga ang kanyang nanay, “Take it from me, I lost my mom.
“I lost my mom, and by the time na gusto ko nang bumawi, I never got the chance. That’s the sad reality of things. It’s the worst feeling,” ang naiiyak nang pahayag ng Kapuso matinee idol.
View this post on Instagram
“Ready na ako, mama ko na lang ‘yung kulang,” dugtong pa niya.
Kaya ang advice niya sa lahat ng mga anak, hangga’t may pagkakataon iparamdam at ipakita ang pagmamahal sa mga magulang hangga’t buhay pa ang mga ito.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya
“So, never ever give that opportunity a chance in your life,” sey ng aktor.
Ayon naman kay Toni, naniniwala siyang palagi pa ring kasama ni Alden ang kanyang Mommy Rosario “in spirit.”
“Lagi ko ‘yang kinakausap up there. ‘Mama kita mo may award ako,'” chika naman ni Alden.
Ikinuwento rin daw ng binata sa kanyang pumanaw na ina kung gaano siya ka-proud na nakatrabaho na niya ang nag-iisang Megastar.
Dagdag chika pa ni Alden, isa sa ginawa niyang motivation sa mga eksena nila ni Sharon sa pelikula ay ang mga alaala ng kanyang ina.
“Sabi ni Direk Nuel (Naval) ‘Talk to your mom, pero ito siya, si Ms. Sharon, si Mega siya.’ Hindi lang siya nakunan pero sabi ko ‘Ma, nakatrabaho ko na si Ms. Sharon.’ I was breaking down,” pag-alala pa ni Alden.
Sumakabilang-buhay ang nanay ni Alden matapos tamaan ng pneumonia noong 2008.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.