Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: 'Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw' | Bandera

Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

Reggee Bonoan |August 31,2022
facebook
share this

Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

Reggee Bonoan - August 31, 2022 - 11:01 PM

Heaven Peralejo at Jameson Blake

“ACCORDING to my reliable source, oh di ba, may ganyan…ang dyowa raw ngayon ni Heaven Peralejo ay si…Jameson Blake!”

Yan ang rebelasyon ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na mapapanood ngayon sa YouTube channel nilang “Showbiz Update.”

Hindi naman imposible ito dahil sina Heaven at Jameson ang magkatambal sa TV series na “The Family Affair” na napapanood sa Kapamilya online channel, A2Z, TV5 at YouTube channel ng ABS CBN Entertainment.

View this post on Instagram

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


Napa-“talaga?” naman si Mama Loi.

“Totoo ba ‘yan anak?” tanong ni Ogie kay Heaven na dati niyang mina-manage.

Dagdag pa, “Pero alam ko nag-vlog sila, eh, sa vlog ni Heaven mismo, parang meron silang date (challenge).”

Sabay pakita sa video na magka-holding hands ang aktor at aktres at may pa-kiss na rin.

“E, baka nga sila, e, sino naman tayo para (humusga) pareho naman silang single, di ba?” sambit pa ni Ogie.

Birong tanong naman ni tita Jegs, “Bakit siya ganyan ‘Te (Ogie), parang hindi siya nababakante?”

Una raw kasing na-link ang dalaga kay Jimwell Pacquiao, sinundan ni Kiko Estrada, pangatlo kay Kimpoy Feliciano at ngayon kay Jameson nga.

“E, ano naman ngayon? Maraming pag-ibig sa puso ni Heaven,” saad ni Ogie.

View this post on Instagram

A post shared by Jameson Blake (@jmsnblake)


Hirit naman ni Mama Loi, “At saka kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, di ba? Maraming hahanga, maraming liligaw.”

Nasambit din nina Ogie at mama Loi na happy sila for Heaven dahil masaya ang puso nito.

Samantala, pinayuhan ni Ogie ang aktres tungkol sa pagbibilad nito ng katawan niya sa social media accounts na nakasuot ng skimpy bikini.

“Sa kanyang mga Instagram posts, super skimpy, super bikini! Two-piece kung two -piece, di ba?” say ng ex-manager ng dalaga.

Kaya natanong kaagad si Ogie ni Tita Jegs kung okay sa kanya bilang dating manager na magsuot ng mga skimpy bikini si Heaven.

“Well, una sa lahat kung kumportable si Heaven sa ganyang outfit, siguro gusto niyang ipagmalaki ‘yung katawan (niya), ito na ‘yung na-achieve kung nagdyi-gym man siya, so ‘yun ang na-achieve.

“Kaya lang bilang manager at kung nasa akin pa si Heaven, sasabihan ko na ‘wag kang magpa-sexy ng magpa-sexy sa IG kasi mawawala ‘yung mystery mo. Kailangan may mystery, kailangan medyo craving for more Heaven Peralejo ang mga tao.

“E, kapah ganyan lahat ibinilad mo na tapos kulang na lang makita ‘yung keps mo, parang hindi na masasabik sa ‘yo ang mga tao,” punto de vista ng kilalang talent manager at content creator.

Nabanggit pa na may pelikula si Heaven kasama si Ian Veneracion na isasali sa Metro Manila Film Festival.

“Paano kung hindi siya masabayan ni Ian? Hindi makapagpa-sexy si Ian, hindi makapagpa-topless, o makapag-trunks si Ian?

“Sa akin lang bilang manager mas maganda kung magtu-two piece ka doon sa kung saan ka kikita ng malaki, career wise, ha!

“Kasi minsan ka na lang gagawa ng ganyan, kailangan model ako (Heaven) undergarment. Doon lang ako bobongga o kaya cover ako ng sikat at sosyal na magazine.

“Hindi ‘yung basta sa Instagram na, ‘ay nakita na namin ‘yan!’ Halimbawa sa pelikula nakita siyang nag-two piece sasabihin ng (tao), ‘ay nakita ko na ‘yan sa Instagram.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kung minsan ka lang makita ng mga tao na naka-two piece ka at doon pa sa bonggang launching ng isang produkto (reaksyon ng tao), ‘ay nakakaloka! Ang sexy pala niya (Heaven). Ganu’n!” paliwanag ni Ogie.

Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila

Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending