Epal na basher binengga ng ina ni Sarah Lahbati

Epal na basher binengga ng ina ni Sarah Lahbati: Isara mo na lang bibig mo!

Ervin Santiago |January 07,2024
facebook
share this

Epal na basher binengga ng ina ni Sarah Lahbati: Isara mo na lang bibig mo!

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 10:00 AM

Epal na basher binengga ng ina ni Sarah Lahbati: Isara mo na lang bibig mo!

Sarah Lahbati at Esther Lahbati

BEAST mode” na naman ang nanay ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati nang okrayin siya ng isang hater sa social media.

Palaban at matapang na niresbakan ni Esther ang isang netizen na walang patumanggang minaliit ang naging trabaho niya sa Switzerland.

Nag-post ang ina ni Sarah sa kanyang Instagram page nitong nagdaang January 2, ng mga pictures niya na kuha sa loob ng isang salon.

Sabi niya sa caption, “#Sit down and relax.”

Maraming nag-comment ng positibo sa naturang IG photo ni Esther pero may isang naligaw na mensahe na parang nilait ang naging work niya noon sa Switzerland. Burado na ang nasabing pangnenega ng netizen.

Binengga ng ina ni Sarah ang hater at ipinagdiinang walang masama sa pagtatrabaho niya sa Switzerland bilang isang kasambahay.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Proud pa niyang ibinandera na Swiss passport holder siya na sinasabing “most powerful passport” daw sa buong mundo. Pwede raw kasi siyang mag-travel sa maraming bansa sa mundo na hindi kailangang mag-apply ng visa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“To make it clear madam What’s wrong? kung mag trabaho ako sa bahay? Marangal na trabaho yan.

“Eto sasabihin ko sa iyo isara mo na lang bibig mo kung di lang maganda ang sasabihin mo nang iIstorbo ba ko sa iyo?” ang pagmamalaki ng nanay ni Sarah.

Baka Bet Mo: Esther Lahbati sa kampo ni Richard: Sobrang seloso, tapos magpapa-DNA?

Aniya pa, “May Swiss Passport ako and i can go anywhere in the world w/o visa, I can work anywhere in EUROPE OK? Ikaw ano ginagawa mo pamilya mo na lang intindihin mo.

“For your information hindi ako nag tatrabaho sa cholate fsctory may proof ako na nag trabaho ako sa Geneva International Airport sa CHOCOLATERIE sa loob ng duty free shops,” dagdag pa niyang chika.

Kamakailan ay tila kinumpirma na ni Esther ang paghihiwalay ng kanyang anak na si Sarah sa asawa nitong si Richard Gutierrez.

Aniya, co-parenting daw ngayon ang celebrity couple sa mga anak nilang sina Zion at Kai Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng official statement sina Sarah at Richard tungkol sa kanilang controversial breakup.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending