Esther Lahbati sa kampo ni Richard: Seloso, tapos magpapa-DNA?

Esther Lahbati sa kampo ni Richard: Sobrang seloso, tapos magpapa-DNA?

Ervin Santiago |January 02,2024
facebook
share this

Esther Lahbati sa kampo ni Richard: Sobrang seloso, tapos magpapa-DNA?

Ervin Santiago - January 02, 2024 - 02:31 PM

Esther Lahbati sa kampo ni Richard: Sobrang seloso, tapos magpapa-DNA?

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

PALABAN at mukhang wala ring inuurungan ang nanay ni Sarah Lahbati lalo na sa isyu ng paghihiwalay ng kanyang anak at ni Richard Gutierrez.

Tuloy pa rin ang pagpapatutsada ni Esther Lahbati laban sa kampo ng aktor at ayaw magpaawat sa pagsagot sa mga netizens na nagkokomento sa breakup ng celebrity couple.

Kapag may nakita siyang komento ng netizens na feeling niya ay kailangan niyang sagutin ay talagang nagre-reply siya parail ipagtanggol si Sarah.

Tulad na lang ng pagsagot niya sa isang comment ng isang Instagram user sa litratong ipinost ni Sarah kasama ang kanyang mga anak kay Richard na sina Zion at Kai last Christmas Day, December 25.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang tanging caption na inilagay ni Sarah dito ay praying hands at heart emojis.

Sa post na ito ni Sarah unang ibinandera ni Esther sa madlang pipol na totoong hiwalay na ang kanyang anak sa aktor pero “co-parenting” daw ang mga ito sa  sa dalawa nilang anak.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Nitong nagdaang araw, isang IG follower ni Sarah ang nag-post sa comments section ng kanyang IG photo tungkol sa  umano’y plano raw ni Richard na ipa-DNA test ang isang anak nila.

Sabi ng netizen, “Bilang babae matatanggap ko siguro ung mga mali ng asawa ko pero ung ipa DNA test ung anak ko kc baka hindi daw anak ng asawa ko??? It’s too much to bare.”

Hindi nga ito pinalampas ni Esther at sinagot ang netizen, “Grabe! bakit kaya galit sya kay Sarah?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Eh hindi nga pinapayagan si Sarah na walang body guard ngayon na lang na yan nakakalabas kasama pa kami.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

“Grabe! Sobrang seloso. Tapos magpapa DNA? Baka mapahiya sila!” aniya pa.

Hindi pa rin sumasagot si Sarah sa mga comments ng kanyang social media followers. Until now ay nananahimik pa rin sila ni Richard tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Wala namang kumpirmasyon o pagdedenay ang kampo ni Richard tungkol sa chika about DNA test.

Balitang nasa Bohol naman ngayon ang pamilya nina Sarah para doon ipagdiwang ang Bagong Taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng mga taong involved sa mainit pa ring isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending