Annabelle Rama itinangging ni-like ang IG post ni Sarah Lahbati

Annabelle Rama itinangging ni-like ang IG post ni Sarah Lahbati

Therese Arceo |January 04,2024
facebook
share this

Annabelle Rama itinangging ni-like ang IG post ni Sarah Lahbati

Therese Arceo - January 04, 2024 - 05:01 PM

Annabelle Rama itinangging ni-like ang IG post ni Sarah Lahbati

Annabelle Rama at Sarah Lahbati

PINABULAAANAN ni Annabelle Rama ang kumakalat na chikang ni-like niya ang isa sa Instagram post ni Sarah Lahbati.

Usap-usapan kasi ang tila “pag-i-stalk” daw ng talent manager sa kanyang manugang matapos mamataan ng netizens na naka-like siya sa January 1 post ng aktres.

Marami ngayon ang nakamasid sa kilos ng kampo nina Annabelle at kampo nina Sarah dahil sa chikang hiwalay na ang huli kay Richard at may balita ring inaayos na nila ang kanilang annulment.

Agad rin namang binawi ni Annabelle ang pagkaka-like ng kanyang IG account sa post ni Sarah kung saan makikitang nagbabakasyon silang mag-iina sa Panglao, Bohol.

Ayon sa publicist na si Jun Lalin, nagulat raw ang ina ni Richard nang malamang nag-like siya ng post ng manugang.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama may matinding pasaring sa taong ‘inggitera’, sino kaya ito?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ha? Wala akong nila-like. Bakit ko ila-like?” saad ni Annabelle nang makausap niya si Jun.

Dagdag pa niya, busy raw sila sa kanilang bakasyon. Kasalukuyan kasing nasa Japn ang pamilya Gutierrez.

“Bising-busy kami kahapon. Nag-pictorial pa kami. Wala akong panahon mag-check ng mga post. Lumindol pa,” sey pa ni Annabelle.

Chika pa niya, maaaring isa sa kanyang mga apo ang aksidenteng nakapindot sa naturang post ni Sarah.

“Alam mo naman ang mga apo ko, ang hilig hiramin ang phone ko. Baka napindot nila,” sey pa ni Annabelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos nito ay binawi na niya ang pag-like sa post.

Wala namang pahayag si Sarah ukol sa umano’y pagkaka-like ni Annabelle sa kanyang post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending