Annabelle Rama may matinding pasaring sa taong ‘inggitera’

Annabelle Rama may matinding pasaring sa taong ‘inggitera’, sino kaya ito?

Pauline del Rosario |December 18,2023
facebook
share this

Annabelle Rama may matinding pasaring sa taong ‘inggitera’, sino kaya ito?

Pauline del Rosario - December 18, 2023 - 07:57 PM

Annabelle Rama may matinding pasaring sa taong ‘inggitera’, sino kaya ito?

PHOTO: Instagram/@annabelleramaig

TILA naloka at talaga namang namangha ang batikang aktres na si Annabelle Rama sa ikatlong mansyon ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Ayon sa Instagram post ni Annabelle, naimbitahan siya sa bagong bahay ng couple na nasa General Santos City upang ipagdiwang ang birthday ng Pambansang Kamao.

Chinika pa nga ng dating aktres kung gaano kalaki ang mansyon ng mag-asawa at kung ano-ano ang mga nilibot niya roon.

Ayon kay Annabelle, mayroong garden, bulwagan, firing range at dalawang swimming pool na mala-Bali ang ambiance.

“OMG mabuti nalang meron silang service slippers para sa guest kasi sumakit ang paa ko sa kakaikot sa mansion nila,” caption niya sa IG.

Dagdag pa niya, “Hindi ko pa natapos pinagpawisan ako at hiningal sa sobrang laki. 20,000sqm ba naman ang buong area ng mansion nila.”

“The best house na nakita ko. Mga gamit at materyales sobrang bongga at mamahalin. Maganda ang ideas ni manny at jinkee para sa dream house nila talagang world class,” ani pa ni Annabelle.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)

Kasunod nito ay naisingit pa niya sa IG post ang tila pasaring niya o patama sa sinasabi niyang “inggiterang tao” kaugnay sa nasasangkot na isyu ngayon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.

“Maraming mga good messages at greetings na sinabi sa akin ramdam ko ang pagmamahal ng tao kaya salamat sa inyong lahat,” sey niya.

Patuloy niya, “Huwag ko na raw pansinin ang mga fake news dahil hindi sila naniniwala especially sa idol nilang si Richard, alam nyu na kung saan galing ang mga fake news.”

“Hindi ko na babanggitin ang inggetera, mamatay ka sa inggit dahil alam ng tao kung anu ang totoo, matatalino ang taong bayan,” lahad pa niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tila may pa-blind item at patutsada si Annabelle kaugnay umano sa hiwalayan nina Richard at Sarah Lahbati.

Ayon sa naunang post ng matapang at palabang asawa ng veteran actor na si Eddie Gutierrez, may napanood siyang Hollywood movie kung saan may isang karakter na makamandag at napakasinungaling.

Ang tinutukoy niya ay ang pelikulang “Gone Girl” na pinagbibidahan nina Ben Affleck at Rosamund Pike na tungkol sa isang misis na pineke ang kanyang murder para mapagbintangan ang kanyang mister na siyang nasa likod ng krimen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pasabog ni Annabelle, “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.

Kung maaalala, mismong si Annabelle ang nagsabing may pinagdaraanan ang mag-asawang Richard at Sarah kasabay ng pasaring na habang kayod nang kayod ang anak ay nagwawaldas naman daw ng pera ang misis nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending