Paul Salas emosyonal nang ‘binyagan’, isinuko na ang buhay kay Lord

Paul Salas emosyonal nang 'binyagan', isinuko na ang buhay kay Lord

Paul Salas

SA pagpasok ng Bagong Taon nagdesisyon ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas na mas paigtingin pa ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

Isa na ngayong ganap na Born Again Christian ang boyfriend ni Mikee Quintos matapos “mabinyagan” sa isang seremonya na ginanap kamakailan.

Nagbahagi ang binata sa kanyang Instagram account ng isang video kung saan makikita ang ginawang “pagpapabinyag” sa kanya bilang Born Again Christian.

Sa naturang short video clip ay mapapanood ang paglublob sa kanya ng isang pinaniniwalaang pastor bilang bahagi ng seremonya sa kanyang “binyag.”

“I have decided to follow Jesus,” ang simulang mensahe ni Paul sa caption na inilagay niya sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

“No turning back! Salamat Lord kahit hindi ako perpektong tao at nagkakamali ng paulit ulit tinatangap at palagi kang nandyan para sa amin.

“Starting my 2024 by Surrendering my life to our savior, Jesus Christ,” ayon pa sa binata.


Sa bandang huli ng video, matapos siyang ilublob sa tubig at maiahon ay nagyakap sila ng pastor na nagbinyag sa kaniya sa tubig ng isang swimming pool.

Dito na hindi napigilan ng aktor ang maging emosyonal.

Narito ang mga reaksyon ng IG followers ni Paul kabilang na ang mga pagbati mula sa mga kapwa kaibigan niya sa showbiz.

“Always proud of you!” ang komento ng girlfriend niyang si Mikee.

Mensahe ni Kristoffer Martin, “God is good! Amen brother!”

“Woohooooo!!! LEZ GOOO!” komento ni Kyline Alcantara.

Baka Bet Mo: Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

“This is such great news! I’m rejoicing with you as you celebrate a new life with our Lord and Saviour, @paulandre.salas.”

“Proud of you brader!!! Congrats!!! May God’s name be glorified always!”

“Amen. Ang dami ng celebrities na nagiging Christians.”

“Sarap. Nakakaiyak naman. Astig si Lord.”

“Congratulations @paulandre.salas! You were once my idol. But now, you’re a my brother in Christ Jesus!”

“Love you anak ! Jesus loves you ! Keep up the good work and keep up loving Jesus and putting Him first and center of your life.”

Yan ang iba pang comments na nabasa namin sa IG post ni Paul.

Read more...