Kristoffer Martin napaiyak sa pagiging born-again Christian: 'Surrendered. Delivered...' | Bandera

Kristoffer Martin napaiyak sa pagiging born-again Christian: ‘Surrendered. Delivered…’

Ervin Santiago |July 27,2021
facebook
share this

Kristoffer Martin napaiyak sa pagiging born-again Christian: ‘Surrendered. Delivered…’

Ervin Santiago - July 27, 2021 - 08:39 AM

WALANG tigil ang pagluha ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin habang tinatanggap ang bagong blessing na dumating sa kanyang buhay — ang pagiging born-again Christian.

Nagbabalik-loob sa Diyos ang binatang ama pagkatapos umamin sa lahat ng nagawa niyang kasalanan at pagkakamali sa buhay.

Naniniwala raw siya na pinatawad na siya ng Diyos sa kabila ng kanyang mga sablay na desisyon sa buhay at pagkukulang bilang isang tao. 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram accoung, ipinost ni Kristoffer ang ilang photo na kuha sa pag-attend niya sa isang worship service ng Grace Christian Church. 

Dito makikita ang Kapuso star na umiiyak habang nagdarasal at tinatanggap nang buong puso at kalukuwa ang pagiging born-again Christian.

Sa inilagay niyang caption, nagpasalamat siya sa modelong si Cris Lomotan, na sa pagkakaalam namin ay isa sa mga pastor ng Grace Christian Church. Ito marahil ang nangumbinsi sa aktor para maging isang born-again Christian.

Narito ang mensahe ni Kristoffer na ibinahagi niya sa IG kalakip ang kanyang mga litrato, “Surrendered. Delivered…

“Thank you @grace.churchph. Thank you to Pastor @lomotancrisfor this opportunity. What I saw from my experiences before, that unconditional love has been there all the time.

“God uses people as his instrument to let you feel that kind of love. Even if you’re blinded by everything.

“He’s always there seeing you. Loving you unconditionally,” lahad ni Kristoffer.

Dagdag pa ng aktor, noon daw ay naririnig lamang niya mula sa mga kakilala at kaibigan ang mga pahayag na minsan na silang naligaw ng landas at napariwara pero mas pinili nila ang magbago at muling humingi ng awa at kapatawaran sa Panginoon.

“‘I was once lost, but now I am found.’ I always hear that.

“But I felt it more and real now. Thank you Jesus,” sabi pa ng aktor.

Pinusuan naman ng mga netizens ang post ng aktor at umani ng magagandang komento mula sa mga kaibigan niya sa showbiz kabilang na sina Rocco Nacino, Aicelle Santos, Thea Tolentino, Maritoni Fernandez at marami pang iba. 

Kung matatandaan, nito lamang nga nakaraang buwan ay naging laman ng entertainment news si Kristoffer nang umaming meron na siyang anak sa dating live-in partner na si AC Banzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nito lamang nagdaang April 2021, ibinalita naman niya na magkarelasyon na sila ng kapwa Kapuso na si Liezel Lopez pero pagsapit ng July ay sinabi ng dalaga nA naghiwalay na rin sila ni Kristoffer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending