Andas ng Itim na Nazareno bawal akyatin ng deboto –Quiapo church

Andas ng Itim na Nazareno bawal akyatin ng deboto –Quiapo church

INQUIRER file photo/August dela Cruz

MAKALIPAS ang tatlong taon, muling aarangkada ang prusisyon ng Itim na Nazareno o ‘yung tinatawag nating “Traslacion” sa darating na January 9.

At taliwas sa nakagawian, pinagbabawalan na ngayon ang pagsampa o pag-akyat ng mga deboto sa life-size religious icon.

“Our first reminder is climbing is prohibited. No one will climb onto the ‘andas’ (carriage) of our Lord Jesus the Nazarene so everyone can see him and he is the star of the procession,” sey sa inilabas na video clip sa social media ni Fr. Jesus Madrid Jr., isa sa ordained deacons ng Quiapo Church.

Ayon pa sa kanya, hindi naman magbabago ang pagpupunas ng panyo sa imahe ng Itim na Nazareno dahil pupwede namang iabot ng mga deboto ang kanilang panyo sa mga taong nagbabantay at nakasakay sa karwahe.

Sinabi rin ni Fr. Madrid na ang mga deboto ay maaari ring magpalitan ng paghawak sa lubid na humihila sa andas.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega muling kinasuhan, mga deboto ng Itim na Nazareno naman ang naghain ng reklamo

Ang pakiusap lamang niya, “Just [be] careful so no one will be hurt while we are pulling the rope during the procession.” 

Nanawagan din ang pari sa mga matatanda, bata at may karamdaman na mga deboto na manatili na lang sa sidewalk upang maiwasan na masaktan sa gitna ng prusisyon.

Pinaalalahanan din ng Quiapo church ang mga deboto na huwag nang magdala ng mga backpack at bote ng tubig, maliban na lamang kung ito ay mga transparent dahil labis ang pag-aalala ng Philippine National Police (PNP) sa seguridad.

Ayon sa PNP, magpapakalat sila ng humigit-kumulang 15,200 na mga personnel para masiguro ang kaligtasan sa prusisyon.

Ito ay dahil inaasahan na aabot sa 2.5 milyon ang sasama sa “Traslacion,” batay sa dami ng mga tao sa huling engrandeng prusisyon noong 2020.

“While there are no reported major security threats and we are hoping for the best [outcome], I will reiterate that we are preparing for the worst scenario,” saad ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga reporters.

Maliban sa PNP, magde-deploy naman ng K-9 units ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Quirino Grandstand, Jones Bridge, at ilan pang lugar na malapit sa Quiapo Church.

Read more...