James Reid ibinandera ang bagong bahay sa pagsalubong ng 2024
SA gitna ng sunod-sunod na heartbreaks at breakups, ibinandera ng celebrity couple na sina James Reid at Issa Pressman ang naging pagsalubong nila sa Bagong Taon.
Sa pamamagitan ng Instagram Reel noong December 2, makikitang ginanap ang intimate celebration ng dalawa sa bagong bahay ni James.
“New year, new home,” caption ng singer-actor sa recent post.
Base sa mga ilaw at nagtataasang gusali sa background ng short video, mukhang lumipat sa Makati si James.
Baka Bet Mo: James Reid ‘very in love’, super happy sa piling ni Issa Pressman: ‘She lights up my day, she inspires me’
View this post on Instagram
Kaparehong video ang ibinahagi ni Issa sa kanyang Instagram account, kalakip ang caption na: “Keep spreading love in 2024. Happy [New Year], you guysss.”
Sa comment section, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa kanilang post.
May iba na tutol pa rin sa kanilang dalawa, habang may mga natutuwa dahil mukhang masaya na sila sa isa’t-isa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“We all love Nadine but can we accept the fact that James is happy with Issa!! I just also realized that Issa is prettier than Nadine.”
“People are mad because we all know that she’s friends with the ex before naging sila. Kahit lumipas pa ang araw o taon, nobody can change the fact na she betrayed her!”
“Happy naman si James happy rin si Nadine. Okay na. 2024 na hayaan niyo nalang sila.”
“No hate ha. But Ang weird parin nakipag live-in ka sa ka-live-in ng friend mo dati [woozy face emoji]”
Kung maaalala, March 2023 nang kinumpirma ni James ang tunay na relasyon nila ni Issa after they were spotted together sa concert ni Harry Styles na “Love on Tour” na ginanap sa Bulacan.
Makalipas ang anim na buwan ay ang kauna-unahan nilang public appearance as couple sa Preview Ball.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.