Janno sa umeepal sa pagluluksa ng kanyang pamilya: Shame on you!
SINUPALPAL ng veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs ang isang netizen na nakialam sa pagse-celebrate nila ng New Year’s Day.
Inalmahan ng komedyante ang naging komento ng basher na kumuwestiyon kung bakit parang hindi sila apektado sa pagkamatay ng ama niyang si Ronaldo Valdez.
Nag-post kasi si Janno ng litrato sa kanyang Instagram account na kuha mula sa pagbabakasyon nila sa Japan kung saan sila nag-celebrate ng Bagong Taon.
View this post on Instagram
Maraming bumati sa aktor at nagkomento ng mga positibong mensahe pero may isa ngang netizen na may handle name na @miagison ang tila bumatikos sa pamilya ni Janno sa pagdiriwang nila sa holiday season.
Hirit nito, “Your father just passed away.” Na sinagot agad ni Janno ng, “I know. And?”
Tugon naman ng netizen sa kanya, “Sadness does not seem to exist. Not judging; maybe behind each post you’re all still crying inside.”
Baka Bet Mo: Mariel sa body shamer: Nanganak ako, 2 times, OK! Ikaw, what happened to your attitude?
At hindi nga ito nagustuhan ni Janno kaya ang bwelta niya sa netizen ay, “You are judging. Shame on you.”
Kinuyog ng mga IG followers ng komedyante ang netizen.
View this post on Instagram
“Kailangan po ba ipakita sa’yo ng buong pamilya nila kung paano sila nagluluksa behind closed doors or outside of social media? They don’t owe you anything.”
“Your comment was very insensitive and uncalled for. People grieve differently. Where’s your compassion? Please think before you comment on someone’s page.”
“Ayokong isiping epal ka.. pero ganun na nga.”
“Eh ano naman kung maging masaya sila at mag celebrate ang nawala na sa buhay natin di na babalik need to move on hindi pwede bagong taon na lugmok pa rin sa lungkot leave the past behind!”
“Maybe this was planned months ago, hindi biro ang gastos sa japan trip para icancel. Wala naman nakakaalam na ganun mangyayari, or eto yung way nila para mabilis maka-cope up. Their life must go on.”
Matapos maboldyak, nag-sorry naman ang netizen kay Janno.
“I truly apologize. Shame on me for my comments. I just lost my mother and you are all very right. I was wrong and we all grieve differently.
View this post on Instagram
“And I am not part of the family and Janno does not owe me any. Sorry, sorry and sorry. My comments were insensitive. Sorry again. God bless you all.
“I even prayed about it and really felt so bad about what I said. My apology may not be taken which I do understand but it taught me a lot. Peace,” aniya pa.
Sa isang IG post ni Janno, inamin niyang miss na miss na niya ang namayapang ama “As the sun sets, the son rises. Caught in the middle of holding on and letting go. Miss you Papa.”
Pumanaw si Ronaldo Valdez noong December 17. Natagpuan siya ng mga otoridad na nakaupo sa silya, may hawak na baril at may tama ng bala sa ulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.