Kitkat naitataguyod ang anak kahit walang maid, yaya at lola

Kitkat naitataguyod ang anak kahit walang maid, yaya at lola: Nakaka-proud!

Ervin Santiago |January 03,2024
facebook
share this

Kitkat naitataguyod ang anak kahit walang maid, yaya at lola: Nakaka-proud!

Ervin Santiago - January 03, 2024 - 08:11 AM

Kitkat naitataguyod ang anak kahit walang maid, yaya at lola: Nakaka-proud!

Kitkat, Walby Fabia at Baby Uno Asher

SUPER proud hands-on nanay ang comedienne-TV host na si Kitkat sa anak nila ni Walby Fabia na si Baby Uno Asher.

Sa kabila kasi ng pagiging working parents, nagagawa pa rin nilang tutukan ang pag-aalaga at pagpapalaki sa panganay at nag-iisa nilang anak.

Ayon sa komedyana na isa ring businesswoman at influencer, ngayon niya lang talaga ipagmamalaki kung anong klaseng magulang sila ng kanyang asawa.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Kitkat ng throwback photo nila ng kanyang anak habang pinadedede niya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by “Kitkat” #ACTRESS #SINGER🇵🇭 (@favkitkat)


Aniya sa caption, “Na-realize ko lang at ngayon ko lang ipagmamalaki talaga, ang galing ko PALA talaga, kami ni daddy walby…

“1 yr and 4 months nataguyod ang exclusive breastfed baby na c uno asher (working parents pa kami ah) na walang maid, walang yaya o walang lola or mama na tumulong mag alaga kahit humawak kay baby para makaligo or makakain man ako ng matiwasay hehe.. (sakin tuwing may okasyon lang nakikita ng lola di na tuloy kilala ayaw na sumama),” ang pagbabalik-tanaw ng komedyana at singer.

“Hirap…nakakainggit ung may mga mama nila na tumutulong sa kanila mag alaga ng baby nila pero at the same time nakaka proud din at nakakaya ko talaga mag isa.

“1 yr and 5 months na si baby uno at sa age ni baby uno advance sya sa mga milestones nya… at tutok talaga ako/kami ni daddy walby.

“Thank You Lord sa pagbigay sakin ng strength and sa pag blessed sakin na maging super momma! Happy New Year!!!” ang mensahe pa ni Kitkat sa kanyang mga social media followers.

Sinundan pa niya ito ng, “Grabe… ngayon 1 yr and 5 months kana baby Uno Asher Favia parang kukurap lang talaga bigla ang laki mo na… i love you so much! Happy 1 year and 5 months anak!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by “Kitkat” #ACTRESS #SINGER🇵🇭 (@favkitkat)


Nauna rito, nagbahagi rin siya sa FB ng photo ni Uno na may caption na, “1 year and 4 months marunong na sya mag count! HAPPY NEW YEAR!!! #BreastfedBaby.

“Actually marunong na sya nung 1 yr and 2 months sya hehehe di ko lang nabibidyo,” sey pa ni Kitkat.

Nang makachikahan namin si Kitkat a few months back, ibinalita nga niyang may mga endorsement na ang panganay na anak kaya feeling lucky and blessed ang kanilang family.

“May endorsement na si Baby Uno, diaper. Kaya pinagkakakitaan ko na siya! Ha-hahaha! Kaya gagawa pa kami ni Papa Walby (ng another baby) para mas maraming pagkakitaan!” ang tawa nang tawang biro ni Kitkat sa ribbon cutting ng Sakura Lounge PH na pag-aari ng kaibigang niyang si Dahlia Flores.

Pero seryosong sabi niya, kahit one year old pa lang si Baby Uno ay gusto na nila itong sundan agad ni Papa Walby dahil enjoy na enjoy sila sa pagiging hands-on parents, sa kabila ng kakambal nitong hirap at challenges.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami akong isinakripisyo kay Baby Uno pero sulit naman dahil napakabibo at gusto naming sundan siya agad. Pero mukhang hindi pa mangyayari yan ngayon dahil nga medyo marami pang kailangang i-prioritize,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending