Female star never nang kinuha ng mga event organizer: Pera-pera lang siya!
NAPAKAMALDITA at walang utang na loob naman pala talaga sa tunay buhay ng isang kilalang TV host-actress.
Totoo ang mga naririnig naming kuwento at hindi basta paninira lamang tungkol sa ugali ng aktres na bidang-bida sa ating blind item.
Actually, marami nang nagchika sa amin ng mga ginagawang kamalditahan at katarayan ng TV host pero palagi lang namin siyang binibigyan ng benefit of the doubt.
But this time, talagang naniwala kami dahil isang source ang nagsumbong sa amin sa ginawang pangdededma ng TV host-actress sa mga taong nag-imbita sa kanya sa isang event.
Knows n’yo ba na hindi talaga siya pumayag na magpa-picture at nakipagchikahan kahit sandali sa mga taong nag-organize ng isang party kung saan kinuha siyang special guest?
“Nagmaldita ang lola mo! Nu’ng sabihan siya ng kanyang assistant kung pwede siyang magpa-selfie sa mga bisita at organizers ng event, dedma siya.
Baka Bet Mo: Dingdong may pa-tribute kay Tirso Cruz sa pagtatapos ng Royal Bloood: ‘Isang matinding standing ovation! Bravo!’
“Ang feeling siguro niya, hindi yun kasama sa talent fee na ibinayad sa kanya para kumanta. E, kaloka! Ang laki-laki ng siningil nila para sa dalawa o tatlong kanta tapos yung ilang minutes lang para sa picture-picture hindi niya mapagbigyan.
“Pera-pera lang talaga yang si ____ (pangalan ng aktres). Mula pa naman noon ganyan na ang ugali niyan. Feeling niya ang galing-galing niya, akala mo naman kung sino!?” ang galit na galit pang chika ng aming kausap.
Ang ending, never na siyang kinuha uli ng mga organizers ng nasabing event at siguradong ganyan din ang ginawa ng iba pang kumukuha sa serbisyo niya noon na nagkaroon ng hindi magandang experience sa kanya.
Marami ring pagkakataon na inireklamo ang TV host-actress dahil sa kanyang napakagaspang na ugali, kabilang na riyan ang ilang production staff na nakakatrabaho niya sa teleserye at pelikula.
Hindi raw talaga nila gusto ang attitude nito lalo na ang pagiging palautos na akala mo siya ang nagbabayad sa kanilang sweldo kung makaasta. Bwisit na bwisit din daw sila sa mukha nito na palaging nakasimangot.
Gets n’yo na ba kung sino siya? Maiksi lang ang kanyang pangalan. Yun lang ang maibibigay naming clue. Ha-hahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.