Dingdong may pa-tribute kay Tirso Cruz sa pagtatapos ng Royal Bloood: 'Isang matinding standing ovation! Bravo!' | Bandera

Dingdong may pa-tribute kay Tirso Cruz sa pagtatapos ng Royal Bloood: ‘Isang matinding standing ovation! Bravo!’

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Dingdong may pa-tribute kay Tirso Cruz sa pagtatapos ng Royal Bloood: ‘Isang matinding standing ovation! Bravo!’

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 12:10 PM

KALOKA! Ayaw kaming tantanan ng mga adik sa panonood ng “Royal Blood” sa tanong kung ano ang magiging pasabog na ending ng top-rating series ng GMA 7.

Bukas ng gabi, malalaman na ng buong universe kung paano magwawakas ang biggest murder mystery on primetime TV na pinagbibidahan ng Primetime King na si Dingdong Dantes.

Ngayong nabuking na ang katotohanan na si Margaret (Rhian Ramos) ang murderer at pumatay kay Gustavo (Tirso Cruz III), ano pa ang mga magaganap na twists and turns sa istorya?

Sino na ang mamamahala sa Royales Motors? Makakabalik na na si Napoy (Dingdong) sa dati niyang buhay? At ano ang naghihintay sa Royales siblings?

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Dingdong ng video kung saan kasama niya si Tirso at ang production and creative team ng “Royal Blood.”

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes ibinuking ang ugali ni Tirso Cruz III; ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA 7 extended sa mga sinehan

Aniya sa caption, “Isang matinding standing ovation sa napakahusay na pagganap ni @tirsocruziii bilang Gustavo Royales. Bravo!”

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi ng award-winning Kapuso actor ang ilang challenges na hinarap nila habang ginagawa ang serye.

“Nawalan ako ng boses during our last taping day at hindi ako nakapag-dub dahil bumalik ang boses ko 2 araw matapos ito, kaya hindi naabutan ang airing.

“Kudos to all the staff who still made the airing possible despite this setback. Ika nga, the show must go on,” aniya.

Bukod kina Dingdong at Tirso, umani rin ng papuri ang iba pang cast members ng “Royal Blood” kabilang na sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo at Rhian Ramos.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa nalalapit na pagtatapos ng “Royal Blood.”

“I love this teleserye. Masosorpresa ka lagi sa mga pangyayari. Wala bang season 2 for this? I love to be proven wrong and this show did that. I never suspected Margaret Royales-Castor, so good job to the people behind the show. I enjoyed the reveal.”

“Top caliber acting and good production design, cinematography, and musical scoring. Fast paced pa ang story. Natural na natural ang pagganap nilang lahat. Kahit mga kasambahay, ang galing mag-marites hahaha! Tailor-made talaga ang characters ng bawat isa.”

Kaya huwag na huwag nang bibitaw sa pinakaaabangang finale ng “Royal Blood”, sa GMA Telebabad, mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Related Chika:

Sylvia Sanchez super proud nanay sa pagrampa ni Gela Atayde sa fashion show; Dulce, Ima Castro, Wency walang kupas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa ‘Royal Blood’, pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending