Vilma, Boyet nanghinayang din sa mga naghiwalay sa showbiz

Vilma, Boyet nanghinayang din sa mga naghiwalay sa showbiz: Sayang talaga!

Ervin Santiago |December 29,2023
facebook
share this

Vilma, Boyet nanghinayang din sa mga naghiwalay sa showbiz: Sayang talaga!

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 07:10 AM

Vilma, Boyet nanghinayang din sa mga naghiwalay sa showbiz: Sayang talaga!

Christopher de Leon at Vilma Santos

NANINIWALA ang veteran stars at perennial loveteam na sina Vilma Santos at Christopher de Leon tungkol sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz.

Kung may isang tambalan na talaga namang masasabing “loveteam for all seasons“, yan ay walang iba kundi sina Boyet at Ate Vi na mahigit apat na dekada nang namamayagpag sa entertainment industry.

Kaya naman ilang members ng showbiz press ang nagtanong sa kanila kung ano ang reaksyon nila sa mga nagaganap na breakup ngayon among local celebrities, kabilang na riyan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Well, if it’s not meant to be, hindi naman mangyayari, eh, you know? Sayang siyempre, maraming fans dahil isa sa magdadala talaga loveteam muna, you know. Ang usapan naman dito, longevity, eh.

Baka Bet Mo: Vilma kinuwestiyon ang pagiging aktres matapos mamahinga sa showbiz ng 7 taon: ‘Mahirap…sabi ko nga, makakaarte pa ba ako?’

“Pwede kayong sumikat five years, six years, pero hanggang kailan? I think baka what happened sa kanila, siyempre, ang daming nalungkot because they were famous, ah, loveteam,” pahayag ni Ate Vi.

“Secondly, I think they were together for 11 years. Eleven years is no joke. Plus, may plus factor du’n ‘yung edad nila.

“Eto ‘yung edad na agresibo, eh, you know. Na to the point na you don’t know, kapag agresibo ka sa edad nila, in a way, we don’t know, it can affect ‘yung mga movies na gagawin because of magkaeksena, kasi may kasamang emosyon at puso,” paliwanag ng Star For All Seasons.

Dugtong pa niya, “Siguro ang swerte lang namin ni Yetbo (tawag ni Ate Vi kay Boyet), hindi naman natin pinlano, eh. Napasok namin ni Yet ‘yung tinatawag na professionalism.

“Like ‘wag nating laruin ‘yung movie. Alam mo ‘yung ibig kong sabihin? ‘Wag nating paglaruan na in love na in love tayo, hindi, eh. Let’s do our job, mag-asawa tayo, mag-asawa tayo (sa movie). We respect each other, talent, parang naglaban nga kami more on sa talent, eh. Inalagaan namin ang isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


“Not the love, love na nangyayari sa… of course, we’re sad. Famous ‘yung dalawa, we’re sad. Let’s just hope for the best for the both of them.

Baka Bet Mo: Boyet wish makatrabaho uli si Ate Vi; inatake ng nerbiyos nang una silang magkita sa show na ‘Vilma’

“Either with their personal lives or career-wise. So that’s the only thing we can wish for the two of them,” sabi pa ng lead actress sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “When I Met You in Tokyo.”

Bukod sa KathNiel, kinumpirma na rin nina Xian Lim at Kim Chiu ang kanilang breakup sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

Isa pa sa celebrity couple na napabalitang naghiway na ay sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Nag-break na rin daw ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila diretsahang umaamin tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, showing na ngayon ang “When I Met You in Tokyo” nina Ate Vi at Boyet at in fairness talagang pinipilahan pa rin ito ng mga tao sa sinehan. Wait na lang tayo kung hahakot din ito ng awards sa magaganap tonight na MMFF 2023 Gabi ng Parangal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending