Vilma-Boyet loveteam matindi pa rin ang ‘magic’ kahit mga senior citizen na
HINDI in-expect ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na makakagawa pa sila ni Christopher de Leon ng romcom movie sa kabila ng kanilang mga edad ngayon.
Proud na proud si Ate Vi sa bagong pelikula nila ni Boyet na “When I Met You In Tokyo” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula na sa December 25.
In fairness, mahigit apat na dekada na ang itinatagal ng samahan at pagkakaibigan ng dalawang showbiz icon at hanggang ngayon nga na pareho na silang senior citizen ay nag-uumapaw pa rin ang kanilang chemistry bilang magka-loveteam.
Sey ng premyadong aktres, hindi rin niya akalain na until now ay magkasama pa rin sila ni Boyet sa isang pelikula na love story with matching pakilig pa.
View this post on Instagram
“Pero love story na para sa edad namin. I guess sa experience naman kasi namin ni Yetbo (tawag ni Ate Vi kay Boyet) ang talagang number one sa amin, even before pa is the respect for each other. Kasi, you know when we did our first movie, ‘Tag-Ulan sa Tag-Araw’ (1975) he was married na, eh.
Baka Bet Mo: Michelle nilinaw ang rason ng pakikipaghiwalay sa asawa: There’s no third party
“Hindi pa ako buntis noon kay Lucky (Luis Manzano), so imagine nagsasama na kami ni Yetbo and Lucky is 42 now, so ang tagal na. Ganoon iyong haba ng samahan namin ni Yetbo. So, respect sa isa’t isa at the friendship that we had, inalagaan namin iyon,” pahayag ni Ate Vi sa presscon ng “When I Met You In Tokyo” mula sa JG Productions.
“Ang siguro ang pinakamaganda lang sa amin ni Yetbo, I don’t know kung saan nanggaling pero iyong chemistry, naniniwala kasi ako na hindi naman nagagawa iyong chemistry, acting iyon eh, you will feel it, eh.
“Pero sa tagal ko na siyang kakilala, the magic of chemistry that we had, I think up to this day hindi ko alam kung saan nanggagaling, basta kilalang-kilala ko si Yetbo and vice versa.
“And one thing siguro na malaki rin ang naitulong sa amin is professionalism,” chika pa ni Ate Vi.
Patuloy pa niya, “Everytime we do a movie, we do our roles. Ako experience ko kay Yetbo kaya siguro ganoon, kung ano iyong role ko, asawa ko siya, talagang asawa ko siya.
View this post on Instagram
“Paninindigan ko iyong role ko na asawa ko siya. When we did ‘Relasyon (1982),’ mistress ako talagang immediately magseselos ako ganoon.
“And dumating kami sa point na the magic of chemistry even the time during ng kay Ishmael Bernal kay direk Laurice Guillen, iniiwan sa amin ni Yetbo ang eksena. ‘Yung sasabihin lang sa amin, improvisation. Kami na bahala gumawa.
“If we don’t have that kind of chemistry hindi namin mabubuo iyong eksena. I don’t know where the magic is coming from up to this day.
“Nadala namin iyan dito sa ‘When I Met You In Tokyo.’ And it’s the approach what we had is more matured. Na hindi namin alam. Marami rin kaming eksena rito na walang rehearsal,” dagdag pang sey ng award-winning actress.
At kahit nga wala silang relasyon at hindi rin nagkagustuhan kahit ilang beses nang nagsama sa mga pelikula, kitang-kitang at ramdam na ramdam pa rin ang kanilang chemistry.
“Maybe because that’s part of professionalism. Like you work on your character and make sure na naroon ka sa character mo. Na you don’t play with the character, you play it seriously.
“Si Yetbo is such a serious actor also. Kaya everytime he acts ewan ko nasasagot ko siya and vice versa. Tinginan lang namin,” sabi ni Ate Vi.
Ang “When I Met You In Tokyo” ay mula sa JG Productions nina Rowena Jamaji, Karishma Gidwani at Redgie Magno. Ito’y idinirek nina Rado Peru at Rommel Penza at sa panulat ni Suzette Doctolero.
Kasama rin sa movie sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Bautista, Lyn Cruz, Lotlot de Leon, Gina Alajar at marami pang iba. Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.