Bobby Ray galit 'pag tinatawag na 'boyfriend' ni Zeinab

Bobby Ray galit ‘pag tinatawag na ‘boyfriend’ ni Zeinab: Dapat daw ‘asawa’

Ervin Santiago |December 28,2023
facebook
share this

Bobby Ray galit ‘pag tinatawag na ‘boyfriend’ ni Zeinab: Dapat daw ‘asawa’

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 07:22 AM

Bobby Ray galit 'pag tinatawag na 'boyfriend' ni Zeinab: Dapat daw 'asawa'

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake

NABA-BAD trip pala ang basketball player na si Bobby Ray Parks kapag tinatawag siyang “boyfriend” ni Zeinab Harake.

Yan ang rebelasyon ng content creator na aktres na rin ngayon, sa isa niyang YouTube vlog na inilabas niya recently kung saan mapapanood ang kulitan at landian nila ni Bobby.

Birong chika ng social media personality, nagagalit daw ang dyowa niyang cager kapag tinatawag niya itong “boyfriend”, dapat daw “asawa” na ang maging tawagan nila sa estado ng relasyon nila ngayon.

Wala namang sinabi si Zeinab kung nagli-live in na sila ni Bobby pero ayon sa basketball player, kailangang mag-practice na sila sa pagtawag sa isa’t isa ng “asawa ko”.

Sa naturang vlog, nagkausap sina Zeinab at Bobby sa pamamagitan ng video call. Sey ng vlogger, “Daddy Ray, hi ka sa vlog.

Baka Bet Mo: Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

“‘Yung asawa ko nagtatrabaho sa ano… tingnan n’yo Paskong-Pasko na, work-work pa rin siya doon,” sey pa ni Zeinab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“Bumabawi ah,” ang natatawang reaksyon naman ng Fil-Am na dyowa ni Zeinab.

Paliwanag ng YouTuber, “Nagagalit siya kapag boyfriend (ang tawag ko sa kanya). ‘Yung halimbawa, ‘boyfriend ko,’ nagagalit siya. Dapat asawa raw. Practice na raw.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

“Hi ka, asawa ko. Daddy, sinasabi ko sa ’yo panindigan mo ‘to,” hirit pa ni Zeinab kay Bobby.

Sa birthday message ng basketbolista para kay Zeinab nitong nagdaang December 11, pinuri niya ang GF sa pagiging best mother nito sa mga anak.

“Happy birthday, Bel! I want to commend you for the being the best mother to our kids, for being such a brave and strong leader, and also for your genuine heart.

“I am so proud of you and your growth. May we continue to build our future that is founded upon God’s word and love. May God grant you your heart’s desires. I pray for great health and God’s favor. I love you,” mensahe pa niya kay Zeinab.

Ngayong 2023 lang naging official na magkarelasyon sina Zeinab at Bobby Ray ngunit parang tunay na mag-asawa na ang peg ng kanilang samahan.

Ang huling celebrity na nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper-songwriter na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay. Nagkaroon sila ng isang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay kaya naman naging malaking isyu ito sa entertainment industry.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending