Barbie, David wish ipagpatuloy ang love story ng FiLay

Barbie, David wish ipagpatuloy ang love story ng FiLay sa ‘Maria Clara…’

Ervin Santiago |December 29,2023
facebook
share this

Barbie, David wish ipagpatuloy ang love story ng FiLay sa ‘Maria Clara…’

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 07:00 AM

Barbie, David wish ipagpatuloy ang love story ng FiLay sa 'Maria Clara...'

David Licauco at Barbie Forteza

WISH ng Kapuso phenomenal loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco na magkaroon ng sariling teleserye sina Fidel at Klay.

Ang tinutukoy nina Barbie at David ay ang mga karakter na pinasikat nila sa hit primetime historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

In fairness, hindi lang naman ang magka-loveteam ang naghahangad ng pagpapatuloy ng kuwento ng FiLay, kundi maging ang kanilang mga supporters mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Ayon kina Barbie at David, gusto nilang malaman kung ano pa ang puwedeng mangyari kina Klay at Fidel dahil nabitin ang manonood sa kuwento nila sa “Maria Clara at Ibarra.”

Baka Bet Mo: Barbie Forteza shookt sa mga papuri ng Pinoy viewers sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Hindi po namin inaasahan ‘to!

Sa video na inilabas ng Mega Entertainment, natanong ang Kapuso loveteam kung ano pa ang kanilang dream project together.

Sagot ni David, “Ako ‘yung ano Maria Clara at Ibarra (Fidel and Klay) continuation.”

“Big impact ‘yung Maria Clara at Ibarra e, siyempre for the fans na rin and for me personally. Gusto ko ‘yun kasi ‘yun ang pinakana-enjoy ko na gawin. I mean, na-enjoy ko naman lahat pero ‘yun ‘yung pinaka,” paliwanag ng Kapuso matinee idol.

Agree rin si Barbie sa sagot ng kanyang leading man, “Tsaka lahat naman tayo. Honestly, ako naging fan din naman talaga ako ni Klay and ni Fidel. I’ve always wondered paano sila mag-e-end up.

“Ang daming tanong so gusto ko rin sanang malaman ‘yun,” sey pa ni Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


In fairness, talaga namang bumongga ang tambalang BarDa nina Barbie at David dahil sa “Maria Clara at Ibarra” na itinuturing ngayong isa sa mga hottest loveteams ng GMA.

Baka Bet Mo: Suzette Doctolero ipinagtanggol ang ‘Maria Clara at Ibarra’ laban sa netizens: Kakapanood n’yo yan ng kabitan!

Anyway, habang abangers pa ang BarDa fans sa pagpapatuloy ng kuwento nina Fidel at Klay, mapapanood muna sina Barbie at David sa bagong historical-action drama ng GMA sa 2024, ang “Pulang Araw.”

Gaganap dito si Barbie bilang isang Vaudeville star, habang isang Japanese soldier naman si David. Iikot ang kuwento ng “Pulang Araw” noong panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas.

Makakasama rin sa upcoming series ng GMA sina Alden Richards at Sanya Lopez.

Sa pakikipag-collab ng produksyon sa mga historian at World War II survivors, ibabandera ng “Pulang Araw” ang mga kuwentong naganap sa pananakop ng mga Hapon noon sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Pulang Araw” ay mula sa direKsyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending