Dennis Trillo inamin na nahirapang mag-adlib sa ‘Maria Clara At Ibarra’, natutong ipaglaban ang tama
INAMIN ng aktor na si Dennis Trillo na marami siyang natutunan sa kanyang iconic role bilang Crisostomo Ibarra at alter ego na si Simoun sa highly-rated television series na “Maria Clara At Ibarra.”
Isa na raw riyan ay ‘yung ipaglaban kung ano ang sa tingin niyang tama.
Sa kanyang interview sa men’s lifestyle magazine na Esquire Philippines, ibinahagi ni Dennis na nag-iba ang kanyang pananaw sa buhay dahil sa naging karakter sa nasabing teleserye.
Alam naman natin na si Crisostomo Ibarra na may alias bilang si Simoun ay ang pangunahing karakter sa mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Gaya sa mga nasabing nobela, sinabi ni Dennis na hindi dapat kinukunsinti ang mga pang-aabuso at mga maling gawain ng ating mga pinuno.
“It’s an important thing to fight for what is right. Rizal saw a lot of flaws in the leaders, in the friars. As they say, what’s wrong is what’s happening, and change is needed,” sey ni Dennis.
Ayon pa sa actor, kailangang tanggapin ng mga lider ang kanilang pagkakamali upang mag-umpisa ang pagbabago sa sistema.
Sambit niya, “I think acceptance of change is also important. It’s important to accept that you need to change so that you can create a better system that is not corrupt.”
Naikuwento pa ng aktor na naglaan talaga siya ng oras na pag-aralan ang kanyang karakter upang matiyak na magiging maayos ang kanyang pagganap sa kanyang role.
“In Maria Clara at Ibarra, I learned a lot. I was studying and researching. People are not used to historical fantasy. Besides, it’s also a love story and drama, and you’ll learn while watching it,” saad ni Dennis.
Dagdag pa niya, “This is one of GMA’s big shows. I have no reason not to accept it. It’s the role of a lifetime. Finally, this is the role I feared to take on.”
Aminado rin si Dennis na nahirapan siyang mag-adlib dahil malalim at sinaunang Tagalog ang kanilang lenggwahe.
“The dialogues are old. Making the words flow smoothly involves a lot of repetition, repeating the reading, repeating the words,” ani ng aktor.
“You have to do it over and over again to capture it by heart. You can’t just ad-lib,” saad pa niya.
Paliwanag ni Dennis, “You have to memorize it word for word. That’s the message of the time. Even if you ad-lib, make sure you still fit in with the setting of that time.”
Bilang natapos na ang episode ng nabanggit na hit teleserye, tampok naman ngayon si Dennis sa “Voltes V: Fantasy” at ang ginagampanan niya riyan ay bilang si Ned Armstrong at Baron Hrothgar.
Nakatakda rin siyang makasama sa upcoming teleserye na “Love Before Sunrise” ang award-winning actress na si Bea Alonzo.
Related Chika:
Dennis Trillo labis ang pasasalamat sa mga tumangkilik sa ‘Maria Clara At Ibarra’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.