Nora muling napakanta; 'mata-mata' acting ni Alfred winner

Nora muling napakanta sa ‘Pieta’; ‘mata-mata’ acting ni Alfred winner

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 07:22 AM

Nora muling napakanta sa 'Pieta'; 'mata-mata' acting ni Alfred winner

Adolf Alix, Jr., Alfred Vargas at Nora Aunor

SIGURADONG ikatutuwa ng mga Noranians ang good news na hatid ng pelikulang “Pieta” na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Alfred Vargas.

Nabigyan kami ng pagkakataon na mapanood ang naturang pelikula sa naganap na special screening nito kamakailan sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City. Ito’y mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Present dito ang ilan sa mga cast members ng movie tulad nina Gina Alajar, Angeli Bayani, Elora Espano, Tommy Alejandrino at Tabs Sumulong. Hindi naman nakadalo sina Ate Guy, Jaclyn Jose, Alfred Vargas, Bembol Roco, Ina Raymundo, Alan Paule, Carlos Dala, Erlinda Villalobos, at Miggy Jimenez.

Si Alfred din ay producer ng pelikula at paliwanag ni Direk Adolf, wala ang aktor at konsehal sa special screening dahil nasa ospital ito at binabantayan ang kanyang misis na si Yasmine na anytime raw ay maaari nang manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


“Pero siya po yung nag-request nito na magkaroon po ng sneak preview yung Pieta in time for Christmas, para po pamasko nila ni Ate Guy sa mga fans bago po kami mag-regular run next year. Baka po sa first quarter.

“Baka ilabas din po sa streaming. I think ito po yung unang pelikula ni Ate Guy na lalabas after niyang maging National Artist,” esplika ni Direk Adolf.

Baka Bet Mo: Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Sayang at wala rin si Ate Guy at hindi namin siya na-congratulate pati na ang iba pang members ng cast, kabilang na si Konsi Alfred pagkatapos ipalabas ang pelikula.

“Si Ate Guy po ay nagpapagaling, lalo po ngayon, kasi medyo delikado dahil nga sa flu. Pandemic, medyo madami pong nagkaka-flu.

“So, iniingatan lang po ng doktor niya na huwag muna siyang lumabas dahil by January po, maggi-guest po siya du’n sa show na ginagawa namin sa GMA, yung Atty. Lilet Matias,” ani Direk Adolf.

Iikot ang kuwento ng “Pieta” sa buhay ng karakter ni Nora na si Rebecca na unti-unti nang nabubulag at meron ding Alzheimer’s Disease.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na niya nakilala ang anak na si Isaac (Alfred) nang umuwi ito matapos makulong ng 18 years dahil sa pagkamatay ng kanyang tatay. Bukod dito, may pasabog ding twist sa ending ng pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Expected na namin ang galing ni Ate Guy at nina Gina at Jaclyn sa movie kaya gusto naming palakpakan si Konsi Alfred dahil sa bagong atake na nasaksihan namin sa kanyang akting sa “Pieta”.

Baka Bet Mo: EA Guzman matinding challenge ang haharapin sa ‘Karnabal’: ‘May fear of heights ako, kahit sa escalator lang ng mall hindi ko kaya’

Hindi rin naman siya nagpatalbog sa mga premyadong veteran stars na kasama niya sa pelikula, lalo na sa mga eksena nila ni Ate Guy na “mata-mata” acting pa lang ay winner na winner na.

Super thankful naman sina Direk Adolf at Direk Gina sa mga nakapanood na ng “Pieta” dahil nga puro magagandang comments ang kanilang natanggap patungkol sa pelikula.

“Masaya po ako na itong pelikulang ito ay nabuo namin dahil I think, one of the very few times na napagsama-sama po namin silang lahat.

“Sina Miss Jane, Miss Jaclyn. Direk Gina. Si Ate Guy, si Alfred, si Tito Bembol. Si Kuya Alan, si Angeli. Si Elora, si Tommy, si Ina Raymundo. Si Tita Erlinda. So masaya po kami nung ginagawa namin yung movie,” pahayag ng award-winning filmmaker.

Isa sa mga highlight ng “Pieta” ay ang eksenang nagsama-sama sina Nora, Gina, Jaclyn at Alfred. Sey ni Direk, “Masarap pong i-shoot yung eksenang yun, kasi, parang nung in-explain po sa kanilang apat, ang ganda nung dynamics nilang apat.

“Kasi, sabi ko nga po, yung role ni Miss Jane, hindi puwedeng hindi po siya. Kasi I think, it needs someone na ganung kalibre para pag lumabas.

“Kasi siyempre, dahil si Ate Guy po yun, si Direk Gina ang kaeksena, kailangan I think kayang tapatan yung ganung eksena.

“So in-explain namin kay Miss Jane. Alam naman niya po at naintindihan niya po, so ang sarap lang nung ganung dynamics nung eksena na iba-ibang klaseng babae,” dagdag ni Direk Adolf.

Samantala, isa sa mga ikatutuwa ng fans ni Ate Guy ay ang muli niyang pagkanta tampok ang Kapampangan folk song na “Atin Cu Pung Singsing”. Matagal nang hindi kumakanta ang nag-iisang Superstar dahil sa problema niya sa lalamunan.

“Natuwa rin kami dahil first time niya ulit kumanta sa isang pelikula after so many years,” ani Direk Adolf.

Sa tanong kung puwede na bang mag-concert muli ang 70-anyos na movie at TV icon, “Ah, depende po yata. Hindi ko po masagot. Siya po ang tanungin ninyo.

“Pero para po dito, alam ko, medyo hirap siya. Pero dahil alam niya yung importansya nung kanta dun sa role niya, pinilit niya po na gawin.

“Kahit yun, nakita niyo in between, kung medyo ano…sabi ko, ‘Sige, okay lang,’ basta yung essence naman ng gagawin, nandu’n,” dugtong ng direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ibinalita rin ni Adolf na soldout ang isinagawang sneak previews ng “Pieta” mula nitong nagdaang Decemeber 22 hanggang December 24.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending