Xian Lim matagal nang hindi bet ng pamilya ni Kim Chiu?

Xian Lim matagal nang hindi bet ng pamilya ni Kim Chiu?

Therese Arceo - December 26, 2023 - 12:51 PM

Xian Lim matagal nang hindi bet ng pamilya ni Kim Chiu?
HOW true kaya ang chika na hindi lang pala mga kaibigan ni Kim Chiu ang may ayaw kay Xian Lim kundi maging ang kanyang pamilya?

Ayon sa last episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, December 25, naibahagi ng kolumnista na maging ang pamilya pala ng Kapamilya A-lister ay hindi bet ang Kapuso actor.

“May source akong nakausap… medyo may kalaliman ang kwento. Matagal na palang hindi pabor ang pamilya ni Kim Chiu dito kay Xian Lim?” pagbabahagi ni Cristy.

Mayroon rin daw napanood si Romel Chika na interview sa actor-director kung saan tinanong siya kung kumusta ang relasyon niya sa pamilya ng dalaga at halata raw sa mukha nito na hindi alam kung paano sasagutin ang tanong.

Baka Bet Mo: Xian Lim pumalag sa mga chikang kumakalat ukol sa kanya: I am in the entertainment industry but I am not here to entertain

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maging ang mga tagasuporta raw ni Kim ay ayaw rin kay Xian dahil nakikita ng mga ito na tila walang plano ang binata sa kanilang “future” ni Kim.

Chika ni Cristy, ang mga chikang ayaw ng mga kaibigan ni Kim sa aktor ay alam na niya ngunit ngayon lang niya napag-alamang maging ang pamilya ng dalaga ay tutol sa binata.

Matatandaang nitong Sabado, December 23, tuluyan nang isinapubliko ni Kim na hiwalay na sila ni Xian.

12 years rin ang itinagal ng relasyon ng dalawa bago ito tuluyang nagtapos ngayong taon.

Wala namang binanggit na iba pang detalye sina Kim at Xian ukol sa kanilang paghihiwalay at mukhang maayos rin naman ang kanilang paghihiwalay base na rin sa naging palitan nila ng mensahe sa social media noong Sabado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending