MMFF 2023 REVIEW: Matteo nanggulat sa 'Penduko'

MMFF 2023 REVIEW: Matteo nanggulat sa ‘Penduko’, epek sa dramedy at aksyon

Ervin Santiago - December 23, 2023 - 02:53 PM

MMFF 2023 REVIEW: Matteo nanggulat sa 'Penduko', epek sa dramedy at aksyon

Matteo Guidicelli at iba pang cast members ng ‘Penduko’

NAPUNO ng tawanan, sigawan at palakpakan ang Cinema 9 ng SM Megamall habang ipinalalabas ang “Penduko” ni Matteo Guidicelli.

Naimbitahan ang BANDERA sa naganap na premiere night ng “Penduko” kagabi, December 22, ilang araw bago ang pinakaaabangang Metro Manila Film Festival 2023.

In fairness, hindi nasayang ang oras at effort namin sa panonood sa pelikula matapos kaming maipit sa trapik nang ilang oras mula sa Cainta patungo sa Megamall.

Ang “Penduko” ay mula sa Viva Films, Sari Sari Films at Epik Studios na pinagbibidahan nga ni Matteo kasama sina Kylie Verzosa, Arron Villaflor, Albert Martinez, John Arcilla at marami pang surprise guest celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Actually, hindi kami masyadong nag-expect sa movie dahil alam naming isa itong comedy-fantasy with some action scenes na mae-enjoy ng mga batang susugod sa mga sinehan sa pagsisimula ng MMFF 2023.

Baka Bet Mo: Wish ni Matteo sa 2024, mabuntis na si Sarah; sinaniban nga ba sa Penduko?

Wala rin kaming major, major expectation kay Matteo at sa iba pang cast members ng “Penduko”, basta gusto lang namin itong mapanood para maaliw, malibang at matawa.

Kaya naman super shookt kami matapos mapanood ang official entry ng grupo nina Matteo dahil lumagpas talaga sa expectation namin ang kabuuang produksyon ng “Penduko.”

Hindi talaga namin inaasahan na lalaban din pala ito nang bonggang-bongga sa siyam pang kalahok sa filmfest ngayong taon, lalo na sa technical aspect ng pelikula.

Obviously, ginastusan talaga ng mga producer ang movie dahil pang-international na ang kalibre ng special effects nito, bukod pa riyan ang mga buwis-buhay na fight scenes at iba’t ibang klase ng stunts na ginawa ng mga bida at kontrabida.

Idagdag pa ang talent fee ng mga cast members, sa pangunguna nga nina Matteo, Kylie, John at Albert na may kanya-kanya na ring napatunayan sa entertainment industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo IG Official Account @matteog (@matteoglifestyle)


Patalbugan din sila ng akting dito, lalo na sina John at Albert na expected nang mano-nominate sa pagka-best supporting actor na kahit nga fantasy-action at comedy ang tema ng pelikula ay tumodo pa rin sa aktingan.

Baka Bet Mo: Nigerian comedian na si Zombie 2 araw hindi nakatulog dahil sa ‘Penduko’: ‘Dyusko, paano ‘to? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog!’

Pero ang gusto talaga naming palakpakan at bigyan muli ng standing ovation ay si Matteo Guidicelli dahil ibang-iba ang ipinakita niyang performance sa pelikula na siguradong ikagugulat din ng mga manonood.

Hindi namin inaasahan na kayang-kaya rin palang gampanan ni Matteo ang isang karakter na nangangailangan ng iba’t ibang atake at emosyon. Talagang nabantayan at nagabayan ng kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana ang bawat eksena niya.

Kinaya ni Matteo ang magpaka-action superhero, ang magpakilig, magpatawa, magdrama at may bonus pa, dahil nagpa-yummy din siya sa movie na tiyak na ikakikig ng kanyang mga beking fans.

Ilang beses niyang pinatawa ang audience sa kanyang effortless na pagko-comedy. Hindi kasi siya pilit at OA — nasa timing ang bawat pagbibitiw niya ng punchlines kaya laugh nang laugh ang viewers.

Pwede na ring karirin ng Kapuso actor at TV host ang pagiging action star dahil sa mga makatotohanang fight scenes niya sa “Penduko”, lalo na nang maglaban na sila ni Albert Martinez sa bandang ending.

Sa kabuuan, pinatunayan ni Direk Jason Paul na hindi lang siya pang-romcom o drama, dahil kering-keri rin niya ang gumawa ng action-fantasy at comedy na pwedeng ipagmalaki sa buong universe.

Promise, hindi masasayang ang perang ipambabayad n’yo sa mga sinehan kapag pinanood n’yo ang “Penduko” kaya isama n’yo na sa listahan ng mga pelikulang susuportahan n’yo sa MMFF 2023 ang entry nina Matteo Guidicelli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Mark Anthony Fernandez, Phoebe Walker, Marissa Sanchez, Candy Pangilinan, Andrea Del Rosario, Gene Padilla, Joe Vargas, Martin Venegas, Keagan De Jesus, Kurt Delos Reyes, Tyro Daylusan, Zombie Tugue, TJ Valderrama, Jobelyn Manuel, JC Tiuseco, Andrea Babierra at ang “Mini Miss U” viral contestant sa “It’s Showtime” na si.Annika Co.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending