Lady Xi wagi sa iba't ibang international film festival

Lady Xi wagi sa iba’t ibang international film festival para sa ‘The Wiccan’

Ervin Santiago |December 23,2023
facebook
share this

Lady Xi wagi sa iba’t ibang international film festival para sa ‘The Wiccan’

Ervin Santiago - December 23, 2023 - 11:52 AM

Lady Xi wagi sa iba't ibang international film festival para sa 'Pulahan'

Lady Xi

UNTI-UNTING gumagawa ng sarili niyang pangalan ang aktres at artist na si Lady Xi Shem na sunud-sunod ang natanggap na parangal para sa pelikulang “The Wiccan.”

Kabilang na rito ang Jury Special Mention Award ng Wallachia International Film Festival sa Bucharest Romania, Best Feature Film ng Nawada International Film Festival sa India, Best International Short ng New Jersey Film Awards, at World Carnival Singapore award.

Nagkamit din siya ng Special Mention sa London International Film Festival at Reels International Film Official Selection.

Very soon, gigiling na rin ang mga camera para sa pelikulang “Pulahan” na pagbibidahan ni Lady Xi kung saan gaganap siya bilang si Gabriela Silang.

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan ‘nagparamdam’ na ulit, may pa-assignment pa sa mga gumagawa ng kanyang ‘memes’

Ito ay isang kaabang-abang na historical film na iikot sa kuwento ni Lapu-Lapu at ang pagdating ni Gabriela. Sesentruhan nito ang kanilang mga adhikain na hindi nailabas sa anumang libro.

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Direk Rey Coloma, na siyang nagdirek sa pelikulang “The Fate” na pinagbidahan nina Kelvin Miranda at Kenken Nuyad.

Ayon kay Lady Xi, “Bilang producer ng pelikula dapat alam mo rin ang buong istorya at kung sino ang sumulat at direktor nito.

“Kilala ko si Direk Coloma, isang mabuti at magaling na director. Matutunan mo rito kung paano ka makipaglaban nang patas kahit babae ka, pagtangkilik sa kultura, at pagrespeto sa kasaysayan ng ating bansa,” sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, “Kaya excited na akong gumanap bilang Gabriela Silang, dapat malaman ng mga Filipino ang kabayanihan niya lalo na ng mga kabataan.”

Si Lady Xi ay tinaguriang “High Priestess” dahil sa pagiging spiritual adviser nito. Isa siyang celebrity sa dami ng kanyang followers.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas unti-unting tinutupad ang Hollywood dream: ‘I’ve submitted three or four self-taped audition videos abroad’

Itinaguyod niya ang Wicca Philippines Group,  isang non-profit organization na rehistrado ng Securities and Exchange Commission o SEC na may adhikaing magtanim ng puno, linisin ang kapaligiran at tumulong sa nangangailangan.

Isa siyang Spiritual Mystic, Shaman healer ng USA, Chairman at CEO ng Xi Shem Corporation.

Bukod dito, si Lady Xi ay isa ring entrepreneur, actress, model, influencer, USA ambassador ng Coloma International Talent Management Events Film Productions Incorporated at film producer.

Na-ordinahan bilang ministro sa Universal Life Church sa Amerika. Ayon kay Lady Xi Shem, isang hamon sa kanya ang humawak ng mga matitinding kaso ng mga tao at siya ay handang harapin ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaari siyang kontakin sa kanyang official FB page na Xi Shem Official, mag-email sa [email protected], o tumawag sa numero bilang (+639) 27615524/(+639) 283963924 para sa kanyang mga ritwal, tarot readings, at bagay na pang-ispiritwal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending