Vice Ganda: Huwag gumawa ng pamilya kung walang pera

Vice Ganda: Huwag gumawa ng pamilya kung walang pera

Therese Arceo - December 22, 2023 - 02:28 PM

Vice Ganda: Huwag gumawa ng pamilya kung walang pera

UMANI ng reaksyon ang naging pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ukol sa pagkakaroon ng pamilya.

Natalakay nila ang usapang pagpapamilya sa segment na “EXpecially For You” sa kanilang noontime program na “It’s Showtime”.

Ani Vice, naniniwala siya na kung walang pera o kakayahan ang isang tao ay dapat huwag muna itong magsimula ng isang pamilya.

“This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya,” sey ng TV host-comedian.

Pagpapatuloy ni Vice, “Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos.”

Chika pa ng “It’s Showtime” host, sarili mo lang rin ang sasalba sa ‘yo at hindi ibang tao.

Baka Bet Mo: Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” giit ni Vice.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa pahayag ng komedyante.

“Love just ain’t enough. Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal n’yo sa isa’t isa. Wag mag-anak nang madami kung hindi kaya. Tapos pag walang makain, kakatok kayo sa busilak naming puso. Chz!” pagbabahagi ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa sa hanash ni Vice, “Eh kung bet nilang bumuhay ng mga anak at bumuo ng malaking pamilya, huwag nating pakialaman.”

“Madali naman gumawa ng pera e. Wag nalang mag-aanak kung idadamay sa kabugukan. Haha. Kawawa lang mga bata magsa-suffer di ba?” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending