BTS V, Blackpink Jennie hiwalay na, ayon sa mga ulat

BTS V, Blackpink Jennie hiwalay na, ayon sa mga ulat

Pauline del Rosario |December 09,2023
facebook
share this

BTS V, Blackpink Jennie hiwalay na, ayon sa mga ulat

Pauline del Rosario - December 09, 2023 - 12:53 PM

BTS V, Blackpink Jennie hiwalay na, ayon sa mga ulat

BTS V, Blackpink Jennie

NATAPOS na ang long-rumored romance ng dalawang sikat na K-Pop stars na sina Jennie Kim ng Blackpink at Kim Taehyung o mas kilala bilang V ng BTS.

Ang kanilang paghihiwalay ay base sa mga ulat ng ilang Korean media entertainment sa kabila ng hindi pa nakukumpirmang relasyon ng dalawa.

Ayon sa exclusive report ng JTBC, sinabi sa kanila ng isang insider na ang dalawa ay nagpasyang maghiwalay bago ang military enlistment ni V sa December 11.

Magugunita na noong Mayo nang magsimula ang dating rumors nina Jennie at V matapos kumalat ang photos at videos nila sa social media na magkasamang namamasyal sa Paris na shinare ng French photographer na si Amar Taoualit.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinandera ang billboard proposal kay Blackpink Jennie; pwede nga bang kasuhan sa Korea?

Taong 2021 naman nang umalingawngaw ang ilang espekulasyon sa pagitan ng dalawa matapos i-follow ni V ang singer-actress sa Instagram.

The following year, si Taehyung ay naiulat na may kinikita sa Jeju Island sa loob ng kotse na tila kahawig umano ni Jennie.

Noong May 2022 nang magsalita ang talent agency ni Jennie na YG Entertainment patungkol sa dating status ng singer.

“We have nothing to say (regarding this matter)…We will inform you if we have a different response to share,” sey sa inilabas na pahayag.

Pagdating ng Agosto, mas maraming pictures na magkasama ang dalawa ang kumalat, pero hindi matukoy ng netizens kung ito na nga ba ay totoo o photoshopped na lamang.

Noong Oktubre, inanunsyo ng YG Entertainment na na-hack ang iCloud ng Blackpink singer.

 “We have officially requested the police investigate who first circulated Blackpink Jennie’s photos,” saad ng management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“There have been indiscriminate rumors, criticism, personal attacks, sexual harassment, and violations of personal life sparked by those private photographs…we are now announcing that we will take legal action and correct the situation.” dagdag pa ng YG. 

Samantala, si Jennie ay nag-renew kamakailan lang ng kontrata with YG bilang miyembro ng Blackpink.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang Big Hit Music at YG patungkol sa relasyon ng dalawang K-Pop stars.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending