Blackpink Jennie nagsalita na matapos sabihang ‘matamlay’

Jennie ng Blackpink nagsalita na matapos sabihan ng ‘matamlay’, ‘tamad’ magsayaw

Pauline del Rosario |July 15,2023
facebook
share this

Jennie ng Blackpink nagsalita na matapos sabihan ng ‘matamlay’, ‘tamad’ magsayaw

Pauline del Rosario - July 15, 2023 - 02:09 PM

Jennie ng Blackpink nagsalita na matapos sabihan ng ‘matamlay’, ‘tamad’ magsayaw

PHOTO: Instagram/@jennierubyjane

BAGO kayo maging judgemental, alam niyo na ba ang dahilan kung bakit si Jennie, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink, ay hindi ganun ka-all out sa kanyang performances?

Aba, ipinaliwanag na ‘yan mismo ni Jennie matapos makachikahan ang international singer na si Dua Lipa sa kanyang podcast.

Magugunitang ilang beses nang binabatikos si Jennie ng ilang K-Pop fans dahil tila matamlay at tamad umano ito sa pagsasayaw, hindi katulad ng kanyang mga ka-grupo na bigay na bigay sa paghataw.

Ayon kay Jennie, ito ay dahil sa kanyang kalusugan na madalas ay nakakaranas siya ng pananakit ng katawan hanggang sa nahihirapan na siyang makakilos.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinandera ang billboard proposal kay Blackpink Jennie; pwede nga bang kasuhan sa Korea?

Pag-amin pa niya, masyado siyang nag-focus sa training kaya napabayaan niya ang kanyang kalusugan.

Dahil daw rito, pakiramdam niya ay hindi niya alam kung paano kontrolin ang kanyang katawan.

Nabanggit din ni Jennie na lagi siyang nag-aalala sa kanyang kondisyon dahil alam niyang nabibigo niya ang kanyang fans pagdating sa kanyang performances.

“So I feel like I’ve disappointed my fans at some point of my life where it seemed like I wasn’t giving my best,” sey niya.

Dagdag pa niya, “But I haven’t had a moment to say this, I wanna say that I did not know how to control my body, and use my body the way I should.”

Nagbigay pa nga ng example ang Blackpink member at isa na raw rito ay ‘yung hirap siyang magsuot ng sapatos na may heels.

Kwento niya, matinding sakit ang nararamdaman niya sa tuwing nagsusuot nito at ito rin ang isa sa dahilan na naapektuhan rin ang kanyang pagsasayaw.

Sambit niya, “Something like, I just don’t do well in heels, some people are amazing in heels, me being like one of the shortest girls in the group, I cannot work with heels, my feet aren’t built for heels.”

“Even though I try, and sometimes when I’m feeling perfectly fine with my body [but] when I’m like traveling so much, and my body is all bloated, and my feet are so bloated, if I try to dance in heels, my staminal just goes really down because I know it’s uncomfortable for me,” paliwanag niya.

Aniya pa, “Stuff like that, I’ve wanted to come clean, not come clean but share with my fans that I’m still at a point where I’m learning about myself, if anything so, let me be the person to share me from now on.”

Related Chika:

Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza binatikos sa ginawang proposal dinner date kay Blackpink Jennie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending