EXCLUSIVE: Pinoy version ng ‘BTS Recipe Book’ inaabangan na, anong aasahan?
NAGHAHANAP ba kayo ng perfect gift para sa inyong mahal sa buhay, lalo na sa fans ng K-Pop kings na BTS?
Nako, may exciting news ako para sa inyo dahil just in time before the Holiday season, ilalabas na ang Pinoy version ng “BTS Recipe Book!”
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, tama ang nabasa niyo, ito ay ginawa especially para sa Pinoy fans!
Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng Fables.life under ng game development and animation company na Leveret Group, and with partnership ng Cake Corporation (dating HYBE Edu).
Kamakailan lang, isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa launching event ng BTS- themed book na ginanap sa Makati City at eksklusibo naming nakapanayam ang CEO ng nasabing kumpanya na si Ria Lu.
Baka Bet Mo: BTS J-Hope tapos na sa military service sa Korea, fans nagbunyi
“I was in Indonesia earlier this year tapos I met Cake –the former Hybe Edu [and] the educational arm of Hybe. So I was talking to them, sabi ko, ‘You know, the Filipino Army community is one of the largest in the world and you’re not, like, targeting us intentionally. Parang the products that reach us are parang collateral market lang kami, hindi kami intentional.’ Then a week after that, biglang nag-meeting na si Cake with us and said, ‘Let’s create something of your price range, how’s that?’ Kaya doon nabuo ‘yung recipe book,” kwento sa amin ng CEO kung paano nabuo ang nasabing libro.
Patuloy niya, “There’s a bigger recipe book that exists, but it’s expensive. So sabi niya, ‘Let’s create a smaller version, a mini book version that’s especially for your market, which is in a price point for Filipinos.’ Sabi ko, ‘Ang mahal kasi ng sa inyo, it’s 2,000 pesos each.’ Then sabi niya, ‘Let’s do this, this is 500 pesos, will that work?’ So doon na, that’s where the talks started and that’s why we came up with this mini book version of the recipe book.”
Ayon kay Ms. Ria, ang one-of-a-kind version ng BTS Recipe Book ay isang “love letter” na handog talaga sa Pinoy fanbase, na isa sa largest BTS fan communities sa buong mundo.
Bukod sa accessible at affordable, ang mini book version ay naka-translate pa sa Tagalog upang matiyak na makaka-relate at makaka-connect nang mabuti ang maraming Pinoy sa culinary journey ng BTS!
Ibinunyag din ni Ms. Ria na ang mga paboritong Korean food ng BTS na itinampok sa Pinoy version na libro ay kinonsulta muna nila mismo sa ilang Pinoy fans.
Baka Bet Mo: Joey Reyes ‘proud’ solid fan ng BTS, ‘bias’ sina Jin, Jung Kook at Jimin
At speaking of food, natikman ng BANDERA ang mga pagkain na makikita sa nasabing recipe book.
Ang nagluto at naghanda ay walang iba kundi ang celebrity chef na si Ivory Yat.
Nako, marami ang tuwang-tuwa, lalo na ang ilang BTS fan na present sa event dahil aktwal naming na-try ang masasarap na pagkain na paborito at niluluto mismo ng K-Pop kings!
Sabi sa amin ni Ms. Ria, ang “BTS Recipe Book” Filipino version ay ilalabas na ngayong buwan ng Nobyembre at pwede nang mag pre-order sa Fables.life website.
Dagdag ng CEO, “If you’re part of the BTS community, ask your admin because we’ve been giving away discounts and coupons.”
“So right now during pre-order, it’s at a special price because the normal price of the book si 500 pesos, but right now during pre-order, it’s only P450. And then on top of that, you also get an additional discount if you ask your admin of your community for a discount coupon,” paliwanag pa niya.
Kasunod niyan, ibinunyag din sa amin ni Ms. Ria na may dalawang BTS-inspired books pa na paparating para sa Pinoy ARMY!
Ito ang “BTS Lyrics Inside Mini-book” na iri-release sa Disyembre, at ang “BTS Travel Mini-book” pagdating ng January 2025.
“So parang series ito, ‘yung tatlo. They’re going to be the same size. All of them are going to be Filipino,” chika ni Ms. Ria sa panayam.
Mensahe niya pa, “I hope you check out the Fables web store…So starting with BTS ngayon but next year, we’re trying other K-Pop bands and other bands as well, not just from Korea. So stay tuned for that.”
“And you know, we’re easy to talk to. So kung meron kayong mga ideas or what and you wanna reach out to us, just reach out to us on our social media,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.