Bianca sa birthday ni Ruru: 'Ikaw ang ilaw ng buhay ko'

Bianca sa birthday ni Ruru: ‘Andito lang ako…ikaw ang ilaw ng buhay ko’

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Bianca sa birthday ni Ruru: ‘Andito lang ako…ikaw ang ilaw ng buhay ko’

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 05:54 PM

Bianca sa birthday ni Ruru: 'Andito lang ako...ikaw ang ilaw ng buhay ko'

Bianca Umali at Ruru Madrid

NAKAKA-TOUCH at punumpuno ng puso ang mensahe ng Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid para sa kanyang 26th birthday kahapon.

Sa Instagram, nagbahagi ang “Black Rider” lead star ng kanyang birthday message para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Kalakip ang kanyang black and white photo, narito ang naging pahayag ni Ruru bilang bahagi ng pagse-celebrate ng ika-26 niyang kaarawan.

“Isang taon na puno ng pasasalamat sa lahat ng magagandang nangyari sa aking buhay.

Baka Bet Mo: Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

“Marami mang pagsubok ang nagdaan, pero ito ang mga bagay na nagturo sa akin para maging matibay sa anumang hamon ng buhay na ibinabato sa akin sa araw-araw.

“Salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mula sa inyo. Pangako na hindi ako mapapagod gumawa ng mga bagay na makapagbibigay ng saya at inspirason sa inyong lahat,” sabi ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship

Nangako si Ruru na handang-handa na siyang harapin ang mga bagong challenges na darating sa kanyang personal life and showbiz career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa bagong taon na ito sa aking buhay, nakahanda ako sa anumang paparating. Taas noo kong haharapin ang buhay na ito kasama kayo na nagbibigay ng inspirasyon sa akin.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

“Muli, Maraming salamat sa inyo!
Samahan niyo akong tuparin ang lahat ng mga pangarap natin,” pahayag ng binata.

Samantala, binati rin si Ruru ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali. Nag-post ang Kapuso actress ng photo ng binata na may caption na, “Sa dami ng mga taong maguunahan na bumati sayo, gusto ko ako na ang mahuli.

“Maligayang kaarawan sayo, Mahal ko.

“Wala na akong hihilingin pa na ibang makakasangga ko sa buhay na ito kundi ikaw. Kahit pa, kung meron man, sa mga buhay na nakaraan o sa hinaharap – ikaw at ikaw parin.

“Isa kang biyaya sa akin at sa mga tao na minamahal mo, tinutulungan mo at binibigyan mo ng inspirasyon.

“Taglay mo ang isang puso na napakabusilak at naguumapaw sa kabutihan.

“Masaya at maswerte ako na nasisilayan ko lahat – ikaw bilang tao, ang puso’t isip mo – ang buong buhay mo na nasa tabi mo at hawak ang kamay mo.

“Hindi ako magsasawang alagaan ka, ipagmalaki ka at piliin ka sa araw-araw.

“Alam kong alam mo na mahal na mahal na mahal kita.

“Itaga mo sa bato. Andito lang ako.

“Ikaw ang ilaw ng buhay ko.

“Mahal tayo ng Ama,” ang buong mensahe ni Bianca para sa kanyang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tugon naman ni Ruru sa birthday message ni Bianca, “Salamat sa lahat lahat Mahal ko, alam mo kung gaano kita pinahahalagahan sa buhay ko. Ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending