Betong sinampal ni Maricel sa Eat Bulaga: 'Isang karangalan po!'

Betong Sumaya sinampal ni Maricel sa Eat Bulaga: ‘Isang karangalan po ito!’

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Betong Sumaya sinampal ni Maricel sa Eat Bulaga: ‘Isang karangalan po ito!’

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 06:10 AM

Betong Sumaya sinampal ni Maricel sa Eat Bulaga: 'Isang karangalan po ito!'


Betong Sumaya at Maricel Soriano

“BEST birthday gift ever” kung ituring ni Betong Sumaya ang natanggap na regalo mula sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hindi inaasahan ng Kapuso TV host-comedian na mabibigyan siya ng chance na makita up close and personal ang isa sa mga matagal na niyang iniidolo sa mundo ng showbiz.

Nangyari ang pagtatagpo nina Betong at Maricel sa isang episode ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” at dito nga naganap ang pinakaaasam-asam ng komedyante.

Last Tuesday, nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Betong sa “Eat Bulaga” at talaga namang abot-langit ang pasasalamat niya dahil first time niyang magdiwang on national television.

At kinabukasan nga, nag-guest sa “Eat Bulaga” si Maricel kasama ang movie icon at award-winning actor na si Roderick Paulate para mag-promote ng kanilang pelikulang “In His Mother’s Eyes.”

Baka Bet Mo: Betong Sumaya sa 1st monthsary sa ‘Eat Bulaga’: Salamat po sa patuloy na naniwala

Dito nga hiniling ng isa sa mga host ng “EB” na si Paolo Contis kay Marya kung pwede nitong tuparin ang matagal nang  wish ni Betong – ang masampal ng Diamond Star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alberto S. Sumaya Jr. (@amazingbetong)


“Maraming beses na pong nasampal si Betong ng iba’t ibang artista pero sabi niya si Inay Maria never pa. Dream po niya ‘yon,” ang hirit ni Paolo sabay tawag kay Betong sa gitna ng stage.

Ang tila naghahamong tanong ni Maricel kay Betong, “Gusto mo ba talaga? Sigurado ka?”

“Isang karangalan po ito Inay Maricel!” ang hirit na sagot ni Betong

Baka Bet Mo: Betong Sumaya biglang hinarang ng security guard sa GMA 7: Akala niya siguro utility man ako

Habang ine-explain ni Paolo kung anong eksena ang gagawin, bigla na lamang sinampal ni Maricel si Betong na akala mo’y nasa isang eksena talaga sa isang teleserye at pelikula.

Natigalgal naman si Betong pero proud na proud na nakaeksena niya ang Diamond Star kahit pa kunwari lang.

Sey ng komedyante matapos masampal ni Maricel, “Parang ang dami n’yo? Parang dumami kayo?” Nagsigawan naman ang audience ng, “Isa pa! Isa pa!”

Nabanggit din ni Paolo kay Maricel na birthday ni Betong noong Martes kaya agad niyakap ng premyadong aktres ang Kapuso comedian.

“Isang napakagandang regalo po ito. Thank you po,” sey ni Betong kay Maricel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, ilang beses nang nasampal sa “Bubble Gang” si Betong bilang si “Antonietta”. Ilan sa mga nakaeksena niya sa rito ay sina Cherie Gil, Celia Rodriguez, Eula Valdes at Gladys Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending