Sikat na aktres ibinuking ang kamalditahan ng female star, pinalayas sa tent ang artistang hindi niya type | Bandera

Sikat na aktres ibinuking ang kamalditahan ng female star, pinalayas sa tent ang artistang hindi niya type

Reggee Bonoan |November 22,2023
facebook
share this

Sikat na aktres ibinuking ang kamalditahan ng female star, pinalayas sa tent ang artistang hindi niya type

Reggee Bonoan - November 22, 2023 - 07:10 PM

Sikat na aktres ibinuking ang kamalditahan ng female star, pinalayas sa tent ang artistang hindi niya type

Guess, guess who!?

PAGPAHINGAHIN muna natin ang mga naghihiwalay na celebrity couples dahil nagkakagulo na ang kani-kanilang mga supporters.

May narinig pa kaming nagkakaroon na ng sisihan ang bawa’t grupo dahil kung hindi raw nagkaroon ng udyukan ay walang gulong mangyayari.

Bigyan-daan naman natin ang sikat na aktres na sa bawa’t teleserye o pelikulang kasama siya ay nag-iiwan ng tatak bagay na napapailing ang mga nakapanood dahil sobrang galing naman talaga niyang umarte kahit na anong karakter.

Ang sikat na aktres ay sobrang mahal ng mga kabataang artista ngayon at nire respeto siya kaya nang tanungin namin kung anong masasabi niya sa mga kabataang artista ngayon na may attitude na.

Napakunot muna ang noo ng sikat na aktres bago kami sinagot ng, “Ewan ko kasi wala pa naman akong na-encounter na hindi ako binati o nagbibigay galang sa akin.

Baka Bet Mo: Guwapo at sikat na aktor may itinatagong ‘baho’, bistado ng mga kasamahan

“Ang dami ko ngang naririnig na kuwento sa mga kasama ko na ayaw na nilang maka-work si ganito o ganyan, so far lahat ng mga binanggit gusto naman ako at okay kami sa set.

“Parang mga anak ko nga na laging nakabuntot sa akin kasi gustung-gusto nilang makipagkuwentuhan. Nagbibigay payo kasi ako sa kanila at natutuwa ako kasi nakikinig sila at magagalang ang mga batang ito,” sabi pa ng aktres.

So, ang mga kabataang artista ay namimili ng babatiin at hindi kaya nakaka-experience ang ibang veteran actors na may diva attitude sila?

“Hindi ko alam, eh. Pero ang na-experience ko ‘yung mga road managers o PA (personal assistant) ng mga sikat na batang artista ang may attitude. Sila ‘yung nasusulsol sa mga alaga nila para mag-react, naku, may naringgan ako, grabe manulsol, ngani-ngani kong pitikin ang bibig.

“Ganu’n ang experience ko, so, baka kaya ‘yung ibang kabataan kaya may ugali dahil din sa mga nakapalibot sa kanila.  Tulad nu’ng kuwento ng kakilala ko na si ____ (not so young actress) napakabait na bata, tapos nakarinig ako ng iba raw ang ugali tapos laging late.

Baka Bet Mo: Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

“Hayun, kagagawan nu’ng PA dapat daw ‘wag mauna sa set, dapat paunahin ang lahat bago siya darating, wag masyadong chummy para may limit.  Tama ba ‘yun?” mahabang kuwento sa amin.

Anyway, ang isa pang hindi malilimutan ng sikat na aktres ay ang kasabayan niyang aktres na may hindi type na kasama sa tent na pinalipat niya sa ibang tent.

“Nagulat talaga ako kay ____ (kasabayang aktres). Kasi do’n sa set ng (teleserye) tatlo hanggang apat ang magkasama sa tent, e, ayaw niya ‘yung isang makakasama, support siya sa amin, sukat ba namang tumawag sa taga-prod at sinabing ilipat sa ibang tent.

“Alam mo, naawa ako do’n sa pinaalis kunwari bisi-bisihan ako para hindi niya alam na alam ko. Good thing ‘yung nilipatan niya ay masaya ‘yung mga kasama kaya nag-enjoy siya. May ganu’n ugali pala tong si ____ (kasabayang aktres). Mabait lang siya sa ka-level niya,” kuwento ng kausap naming sikat na aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung hindi kami nagkakamali ay dalawa o tatlong project nang nagkasama ang magkasabayang aktres at parehong magaling umarte at pareho rin ang bilang ng natanggap ng awards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending